DSWD, suportado ang inisyatiba ni PBBM na P20.00 kada kilo ng bigas sa mga mahihirap na Pilipino
- Published on July 3, 2025
- by @peoplesbalita
SUPORTADO ng Department of Social Welfare and Development o (DSWD) ang inisyatiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pagbibigay ng P20.00 kada kilo ng bigas at pagtiyak ng food security sa mga mahihirap na Pilipino.
Ayon kay DSWD Asst. Secretary at Spokesperson Irene Dumlao, kabilang sa magbebenepisyo sa hakbang ng pangulo ang mga senior citizen, persons with disabilities, solo parents at miyembro ng pantawid pamilyang pilipino program o 4ps.
Nilinaw ni Dumlao na kailangan dalhin ng mga benepisyaryo ang kanilang id sa tuwing magtutungo sa mga Kadiwa ng Pangulo para maka avail ng P20.00 kada kilo ng bigas.
Aniya, patunay na hindi nakakalimot ang gobyerno sa mga mahihirap na mamamayan at malaking tulong ang hakbang na ito sa araw-araw na nagsisikap upang maitawid ang kanilang pamilya.
Ang mga benepisyaryo ay makakapag-avail sa P20.00 kada kilo ng bigas sa mga piling Kadiwa ng Pangulo sa National Capital Region, Central Luzon, Calabarzon at Mimaropa.
Bukod sa kadiwa stores, mayroon ding mga accredited non-kadiwa outlets sa Metro Manila na nag-aalok ng bigas na abot-kayang presyo. (PAUL JOHN REYES)