• July 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DSWD, tiniyak ang tulong sa mga taong apektado ng pagbaha sa Bicol, VisMin

NANANATILING “in close contact” ang  Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa.mga biktima ng malawakang pagbaha dahilan ng “shear line at  northeast monsoon” sa ilang bahagi ng bansa.

Ayon sa impormasyon na ipinalabas ng Social Marketing Service (SMS) ng  DSWD, patuloy na nagbibigay ang ahensiya ng kinakailangang tulong sa pamilya at indibiduwal na apektado ng pagbaha sa  Eastern Visayas (Region VIII), Zamboanga Peninsula (Region IX) at Caraga Region.

Sa emergency meeting, araw ng Martes, ang lahat ng  DSWD field offices ay nagbahagi ng updates ukol sa kanilang disaster response operations, kabilang na ang probisyon ukol sa family food packs at non-food items, at maging ang katayuan ng  prepositioning relief goods sa iba’ibang lokalidad.

“As of Dec. 26,” mahigit sa P3.2 milyong halaga ng humanitarian assistance ang ibinigay ng DSWD sa Regions VIII, IX, at Caraga.

Iniulat naman ng DSWD offices sa tatlong rehiyon na mahigit sa 34,751 pamilya o 133,443 katao ang apektado ng  weather disturbance.

Sa nasabing bilang, 12,154 pamilya o 51,386 katao ang kasalukuyang nasa temporary shelter sa 142 evacuation centers na itinayo ng  local government units sa mga apektadong lugar.

May kabuuang 133 bahay sa tatlong rehiyon ang napinsala.

Sinabi naman ni Field Office V Regional Director Norman Laurio na mahigit sa  17,100 pamilya o 69,042 indibiduwal ang apektado ng  flooding incident sa Bicol Region.

Tiniyak naman ng mga regional directors na ang kanilang mga  disaster teams ay maayos na nag-deploy sa mga apektadong lokalidad para tumulong local government units sa pagsasagawa ng  relief operations para sa kanilang apektadong  constituents.

Sa kabilang dako, mahigit sa P1.6 milyong halaga ng tulong ang ipinagkaloob ng  DSWD sa mga pamilyang apektado ng  flash floods sa Bicol region.

Samantala, umapela naman ang DSWD  na manatiling bigilante at sundin ang kautusan ng lokal na opisyal para matiyak ang kanilang kaligtasan.

Other News
  • Samahan sa makabuluhang usapan sa ‘Heart-2-Heart’: ARNOLD, masaya na kasama na uli ang kanyang mentor na si DJ LAILA

    LAST month lang pala lumipat si Arnold Rei dela Cruz na kilala ring DJ Poy sa Radyo5 TRUE FM na kung saan binigyan agad siya ng sariling radio program, ang ‘Heart-2-Heart’.     Kaya masayang-masaya siya dahil kasama na niya uli sa istasyon ang isa sa itinuring na mentor na si DJ Laila Chikadora.   […]

  • Isinugod sa ospital dahil sa pananakit ng tiyan: JULIE ANNE, nanghinayang na ‘di nakasama sa concert ni REGINE

    Nanghinayang si Julie Anne San Jose na hindi siya nakasama sa concert ni Asia’s Songbird Regine Velasquez matapos siyang isugod sa ospital.     Dinala si Julie sa ospital dahil sa matinding pananakit ng tiyan at migraine.     Ayon sa Asia’s Unlimited Star, nakapag-ensayo na siya isang araw bago ang naturang concert ni Regine. Kaya naman […]

  • Mayor Isko nagpabakuna kontra COVID-19

    Naturukan na ng Sinovac vaccine laban sa COVID-19 si Manila Mayor Isko Moreno.     Mismong si Manila Vice Mayor Honey Lacuna, na isang doktor, ang nagsagawa nito kahapon ng umaga sa Osmeña High School sa Tondo, Maynila.     Agad nagpabakuna si Moreno matapos payagan ni Pangulong Rodrigo Duterte at ng Inter-Agency Task Force […]