DTI bantay sarado sa ‘price freeze’ sa mga lugar na nasa state of calamity
- Published on July 27, 2024
- by @peoplesbalita
MAHIGPIT na binabantayan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang mga presyo ng basic necessities na naka “price freeze” bunsod ng deklarasyon ng state of calamity sa Metro Manila at Batangas.
“In view of the Metro Manila Council (MMC) and the Department of the Interior and Local Government’s (DILG) declaration of state of calamity in the National Capital Region due to the devastating effects of Super Typhoon Carina and the southwest monsoon, and pursuant to Section 6 of the Price Act of the Philippines (RA 7581) as amended, please be informed that prices of basic necessities in the region are automatically frozen. “ nakasaad sa DTI advisory.
Miyerkules, Hulyo 24, 2024 sa kasagsagan ng matinding pagbuhos ng ulan at mga pagbaha na dala ng Habagat nang ideklara ang state of calamity sa 17 lungsod at munisipalidad sa National Capital Region matapos makapagkasunduan ng Metro Manila Council (MMC) na nasundan ng pagdeklara ng DTI ng Price Freeze.
Nagbabala rin ang DTI sa mga negosyo, kabilang ang mga hotel at transient homes, laban sa “price gouging” o hindi makatwirang pagtataas ng presyo.
Hinihikayat ang publiko na iulat ang anumang insidente ng overpricing at mga katulad na paglabag sa DTI Consumer Care Hotline 1-384 o sa email address consumercare@dti.gov.ph. (Daris Jose)
-
Ads May 5, 2022
-
StarStruck season 5 First Princess Diva Montelaba na-trauma nang ma-infect ng COVID-19
Kahit sa gitna ng COVID-19 pandemic, naglakas-loob ang host ng GMA infotainment show Ang Pinaka na si Rovilson Fernandez na bumiyahe sa US para makapiling ang kanyang pamilya ngayong Pasko. Lumipad siya patungong San Jose, California last December 5 dahil naging tradisyon na raw ng kanilang pamilya na magkakasama silang lahat tuwing Pasko. […]
-
Quiapo Church, nanawagan sa mga deboto na makiisa sa “localized traslacion” ng Poong Hesus Nazareno
Nanawagan ang pamunuan ng Minor Basilica of the Black Nazarene sa mga deboto ng Poong Hesus Nazareno na makiisa sa “localized traslacion 2021” sa halip na dumagsa sa Quiapo church. Inihayag ni Rev.Fr. Danichi Hui, Parochial Vicar ng Basilica na ginawang localized ang Traslacion ngayong 2021 bilang pag-iingat sa banta ng corona virus. […]