• June 8, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DTI: Mag-stock na ng pang-Noche Buena

DAHIL simula na ng “ber” months sa susunod na linggo, pinayuhan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang mga consumers na mag-stock na ng pang Noche Buena habang hindi pa gumagalaw ang presyo ng mga bilihin.

 

 

Ayon kay DTI Undersecretary Ruth Castelo, hindi naman agad nai-expire ang mga panghanda sa Pasko o Bagong Taon kaya puwede nang mamili.

 

 

“Ang advice natin sa consumers, marami pong mga Christmas products na hindi naman kaagad-agad nag-i-expire. So, sa panahon na ito kung kaya rin lang natin na mag-ipon na or mag-stock na ng mga ganitong produkto, puwede na tayong mamili habang hindi pa gumagalaw ang presyo,” ani Castelo sa Laging Handa press briefing.

 

 

Sinabi pa ni Castelo na tiyak na tataas ang presyo ng mga bilihin kaya mabuting mamili na ng maaga.

 

 

Pinayuhan din niya ang mga consumers na tingnan ang mga promo packs na naka-bundle dahil mas makakamura ang mga ito ng mula P20 hanggang P70.

 

 

Posibleng sa huling linggo ng Oktubre o sa unang bahagi pa ng Nobyembre maglalabas ng Noche Buena bulletin ang DTI bilang gabay sa mga mamimili kung magkano lang talaga ang dapat na presyo ng mga produkto na panghanda sa Noche Buena. (Daris Jose )

Other News
  • VP Leni, misinformed sa nangyaring gulo sa pagitan ng magsasaka at pulisya

    PINABULAANAN ni Department of Agrarian Reform (DAR) Acting Sec. Bernie Cruz, ang naging pahayag ni VP Leni Robrero patungkol sa pang-aaresto ng pulisya sa umano’y mga magsasaka sa Hacienda Tinang sa Tarlac City.     Ito ay matapos sirain at guluhin ng higit 90 magsasaka ang mga tanim ng mga co-owners ng Collective Certificates of […]

  • Kahit 1 laban lang ngayong 2020, asam ng Team Pacquiao

    Umaasa pa rin ang kampo ni Sen. Manny Pacquiao na makakalahok pa rin sa kahit isang laban ang 8-division world champion bago matapos ang taong kasalukuyan.   Pero aminado si Sean Gibbons, presidente ng MP Promotions, malabo pa rin sa ngayon na makapagsagawa sila ng laban bunsod ng patuloy na pagtaas ng mga kaso ng […]

  • Usad-pagong na pagbangon ng ekonomiya, nagtulak kay PDu30 para sang-ayunan ang hakbang ng IATF

    ANG usad-pagong na economic recovery ng bansa ang dahilan para sang- ayunan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pasya ng Inter-Agency Task Force (IATF) sa pagbubukas ng iba pang mga negosyo simula ngayong araw na ito.   Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, naiintindihan ni Pangulong Duterte ang sitwasyon at pinag- isipan ng Punong Ehekutibo […]