• March 15, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DTI, pinaigting ang pagbabantay sa mga ibinibentang ilegal na paputok bago ang New Year celebration

Pinaigting pa ng Department of Trade and Industry – Fair Trade Enforcement Bureau ang pagbabantay nito sa mga ibinibentang ilegal na paputok bilang paghahanda sa pagdiriwang ng Bagong taon.

 

 

 

Ayon kay Fair Trade Enforcement Bureau Director Gino Mallari, maaari silang mag-isyu ng cease and desist orders para sa mga manufacturer at palagay nito ay mayroon na ring ipinapatupad ang Philippine National Police (PNP) na special law sa kriminal na aspeto ng mga paglabag.

 

 

Ginawa ng opisyal ang pahayag bilang tugon sa mga apela mula sa legal firecracker manufacturers para sa mas mahigpit na enforcement laban sa pagbebenta ng mga hindi sertipikadong produkto na anila’y nakakaapekto sa kanilang kabuhayan.

 

 

Tiniyak naman ng opisyal ang tuluy-tuloy silang nakikipagtulungan sa PNP partikular na sa pagkalap at pagbabahagi ng impormasyon kung saan maaaring makita ang mga uncertified products.

 

 

Nakikipagtulungan na rin ang DTI sa mga lokal na pamahalaan para sa pagpapatupad ng mga ordinansa at pagtatalaga ng mga lugar para sa display at pagbebenta ng mga legal na paputok. ( Gene Adsuara)

Other News
  • Ads October 8, 2020

  • Kalye sa Navotas isinailalim sa 2-linggong lockdown

    Isinailalim sa dalawang linggong lockdown ang Block 31, Lot 36, Brgy. NBBS, Dagat-dagatan sa Navotas City mula 5 December, 5:01am, hanggang 19 December, 11:59pm alinsunod sa Executive Order No. TMT-056, series of 2020.   Ayon kay Mayor Toby Tiangco, sa isinagawang contact tracing at house-to-house survey, napag-alaman nila na may apat na nagpositibo sa COVID-19 […]

  • Jeepney drivers nais ng malinaw na plano patungkol sa subsidiya ng DOTR sa piling PUV routes

    NAIS  ng ilang jeepney drivers na magkaroon ng malinaw na plano ang Department of Transportation kung paano makakarating sa mga jeepney driver ang nais nilang ibahagi na subsidiya.     Ang ilan sa mga jeepney drivers raw ay hindi nakakatanggap ng sinasabing subsidiya, dahil anila, ang mga operators ang tumatanggap nito at hindi na nakakababa […]