• December 7, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DTI, suportado ang muling pagbubukas ng mga gyms sa Kalakhang Maynila sa Setyembre 30

SINABI ng Department of Trade and Industry (DTI) na suportado nito ang muling pagbubukas ng mga gyms sa Kalakhang Maynila pagkatapos ng Setyembre 30 o kahit pa manatili ang rehiyon sa ilalim ng COVID-19 alert 4.

 

Pinag-aaralan nang mabuti ng technical working group ang panukala ng DTI na lagyan ng cap ang indoor capacity ng gyms ng 20% at limitahan lamang ang paggamit nito sa mga fully vaccinated na tao.

 

“Sa Level 3 allowed po iyan. Ang pinag-uusapan na lang natin dito ay sa Level 4 ay kung maisama siya,” ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez sa virtual press briefing ni Presidential spokesperson Harry Roque.

 

“Parang dine-in at personal care services na limitahan ang operation nito sa Level 4, para lang may continuity ang ating mga kababayan sa mga activities na masasabing hindi naman mapanganib, na mapapanatili ang safety,” dagdag na pahayag nito.

 

Ang 13 milyong katao sa Kalakhang Maynila ay nasa testing hanggang Huwebes ng 5-step COVID-19 alert system na may kasamang granular lockdowns.

 

Hanggang ngayon ay wala pa ring nakikitang data ang mga awtoridad na susuporta sa panawagan na ibaba sa alert 3 mula sa kasalukuyang alert 4 ang rehiyon.

 

“Bottom line po dito, this is essential and it will boost immunity. At iyong virus is here to stay, so we should manage how to function in a very safe manner that can save small businesses and jobs,” ayon kay Lopez.

Other News
  • Maraming social media posts pero tungkol sa mga endorsements: HEART, kinalimutan na ang birthday message sa ‘estranged husband’ na si Sen. CHIZ

    LAST Monday, October 10, nag-celebrate ng kanyang 53rd birthday si Senator Chiz Escudero.       Nabigo ang mga fans nila ni Heart Evangelista, na magparamdam man lamang kahit sa social media ang actress.  Maraming posts si Heart sa kanyang social media pero tungkol lamang iyon sa kanyang mga endorsements.     May nag-try na fan kay Heart na […]

  • Sikat na US ski mountaineer Hilaree Nelson natagpuang patay

    NATAGPUANG patay sa Mount Manaslu sa Himalayas ang sikat na US ski mountaineer na si Hilaree Nelson.     Pababa na ang 49-anyos na si Nelson sa pang-walong pinakamataas na bundok sa mundo kasama ang partner nito ng ito ay nawawala nitong Lunes.     Nakita siya ng mga rescuers sa may 8,613 meters sa […]

  • Mga fans, netizen hati ang kuro-kuro sa pag-swap kay Christian Jaymar

    NAGING hati ang opinyon ng mga panatiko at netizen ang inaapruhang trade kay CJ Perez na buhat sa San Miguel Beer patungong Terrafirma nitong Pebrero 2.     Masaya ang ilang tagasunod sa pagkakabingwit ng Beermen sa 2019 first round, top pick overall, 2019 Rookie of the Year at two-time scoring leader para sa kanilang […]