DUGYOT NA VENDOR SA DIVISORIA, SUSUSPENDIHIN ANG PAGTITINDA SA MAYNILA
- Published on April 17, 2021
- by @peoplesbalita
HINDI pagtitindahin ang mga vendor sa lungsod ng Maynila na mahuhuling dugyot sa kanilang mga puwesto sa mga pampublikong pamilihan partikular sa Divisoria.
Alinsunod na rin ito sa kautusan ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso na panatilihin ang kaayusan at kalinisan sa mga palengke.
Napag-alaman na mismong ang Dagupan Outpost ng Moriones Tondo Police Station ang nagsuspinde ng Divisoria Night Market vendors mula C.M. Recto corner Juan Luna hanggang C.M. Recto corner Ilaya.
Ayon kay Domagoso, sinuspinde ng tatlong araw ang mga nasabing vendor dahil sa naiiwan umano nilang “cluttered waste” katulad ng hasang at kaliskis ng isda at mga plastik.
Sa loob aniya ng tatlong araw na pagkakasuspinde ng night market ay nagsagawa naman ng declogging operation ang Barangay 7 at inasistehan ng MPD-Dagupan Outpost sa pamumuno ni P/SMS Gerardo Tubera. “
Pinabalik din naman umano ang mga vendor sa Divisoria Night Maret matapos ang tatlong araw kung saan sila ay nangakong lilinisin na ang kanilang mga estasyon bago at pagkatapos ng oras ng pagtitinda upang mapanatili ang kalinisan at kaayusan dito, ayon sa alkalde.
Samantala, pinaalalahanan naman ni Tubera ang mga manininda sa nasabing night market na panatilihin nila ang kaayusan at kalinisan sa kanilang mga pwesto dahil hindi umano ito mangingiming suspendihin ang mga susuway sa nasabing polisiya. (GENE ADSUARA)
-
DBM, handang tugunan ang anumang kinakailangan ng Senado at Kamara para agad na maratipikahan ang 2021 national budget
NAKAHANDA ang Department of Budget and Management (DBM) na tumulong sa kung ano pa ang mga pupuwedeng nilang maitulong sa Dalawang Kapulungan ng Kongreso para mapadali ang proseso ng pagpasa ng 2021 national budget. Kinikilala ng dbm ang pagsisikap ng Senado at Kongreso na matulungan ang gobyerno sa pamamagitan Ng pagpasa sa tamang oras […]
-
Paratang ni VP Leni na na-bully ang kanyang mga anak dahil sa #NasaanAngPangulo, pinalagan ni Sec. Roque
PINALAGAN ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang ulat na binully niya ang mga anak ni Vice President Leni Robredo makaraang banggitin niya ang mga komento nila na tila patungkol kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa social media. Ayon kay Sec. Roque, sinabi lamang niya na nagsalita ang mga anak ng bise presidente sa isyu […]
-
CHR, suportado ang electronic filing ng civil cases
SUPORTADO ng Commission on Human Rights (CHR) ang inisyatiba ng Korte Suprema sa transisyon ng electronic filing para civil cases sa trial courts. “Digitalization streamlines court proceedings and reduces the physical and financial burdens associated with traditional filing methods,” ayon sa komisyon. Nauna rito, sinabi ni SC spokesperson Camille Ting na […]