Duque kumasa kay Pacquiao sa alegasyon ng korapsyon
- Published on July 2, 2021
- by @peoplesbalita
Kumasa si Health Secretary Francisco Duque III sa hamon na imbestigasyon ni Sen. Manny Pacquiao kaugnay sa umano’y korapsyon sa DOH.
Ayon kay Duque handa siyang ipakita sa senador kung saan nila ginastos ang pondo ng ahensiya ngayong pandemic.
“While we are disheartened by these baseless accusations from our government officials, we submit ourselves to inquiries from legislators as this is a part of the checks and balances in our government,” ayon kay Duque.
Ipinaliwanag niya na nabanggit na noon ng Department of Finance sa Senate Committee of the Whole hearing na ang inutang na pondo ng pamahalaan ay napupunta sa vaccine manufacturer mula sa funding agency.
Hindi umano dumaraan sa kamay ng DOH ang pera mula sa fun-ding agencies.
Tiniyak din ng kalihim na palaging transparent ang DOH pagdating sa paggastos dahil kaila-ngan umano na maayos na ipamahagi ang pondo para patuloy na mai-patupad ang Universal Health Care Law habang rumeresponde sila sa COVID-19 pandemic.
“Kung ang tanong ay kung handa kaming ipakita kung saan napunta ang pondo, handang handa po kami. We submit reports to concerned go-vernment agencies and even the Senate,” ayon pa kay Duque.
Matatandaan na kumasa sa hamon ni Pa-ngulong Rodrigo Duterte si Sen. Manny Pacquiao na tukuyin ang mga katiwalian sa gobyerno.
Unang tinumbok ni Pacquiao ang DOH kung saan pinabubusisi niya ang gastusin sa pagbili ng rapid test kits, PPEs, masks at iba pa.
“Handa ka ba Sec. Francisco Duque na ipa-kita ang kabuuan ng iyong ginagastos? Saan napunta ang pera na inutang natin para sa pandemya?,” ayon kay Pacquiao. (Daris Jose)
-
Putin, nililigaw ng kanyang sariling military advisers sa tunay na nangyayari sa Ukraine – US
HINDI rin aniya sinasabi kay Putin ang full impact ng sanctions sa ekonomiya ng Russia. Habang ayon naman sa British intelligence ang Russian troops sa Ukraine ay na-demoralise na, kapos sa mga kagamitang pandigma at tumangging sumunod sa order ni Putin. Wala pa namang inilalabas na komento sa ngayon ang Kremlin […]
-
Marlon Tapales all-set na sa laban kay Kumar
Nakahanda na si dating unified world super bantamweight king Marlon Tapales para sa laban nito kay Saurabh Kumar ng India. Gaganapin ang laban ng dalawa ngayong araw sa Olympic Stadium ng Phom Penh, Cambodia para sa World Boxing Council (WBC) Asia crown. Nangunguna kasi si Tapales ng apat na sanctioning bodies […]
-
Kelot na umiwas sa multa, laglag sa selda sa Caloocan
SA halip na multa lang, sa loob ng selda humantong ang isang lalaki matapos mabisto ang dalang baril nang tangkain takasan ang mga pulis na sumita sa kanya dahil sa paninigarilyo sa ipinagbabawal na lugar sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi. Ayon kay Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta, habang nagpapatrolya ang mga […]