• December 7, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Duque napaiyak sa pagdinig ng Kamara

“Winawarak ninyo ang dangal ng Department of Health (DOH)!”

 

 

Ito ang sinabi ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III sa Commission on Audit matapos na maging emosyonal at hindi mapigilan ang mapaluha sa pagharap nito sa pagdinig ng House Committee on Public Accounts kaugnay sa kinukuwestiyon ng Commission on Audit (COA) na P67.32 bilyong deficiency sa pandemic funds ng DOH.

 

 

Sinabi ni Duque na hindi winawaldas ng kagawaran ang pondo at tinitiyak nila ang pagsunod sa proseso.

 

 

Tiniyak din ng Kalihim na ang P67.32 bilyon ay nagamit at patuloy na ginagamit ng ahensya para sa COVID response ng pamahalaan.

 

 

Inihayag pa ni Duque na sa kabila ng mga pagbatikos ay walang humpay ang sakripisyo ng ahensiya sa pagtugon sa pandemya, sa pangangailangan ng mga health workers at maging sa mga COVID-19 patients.

 

 

“Mula no’ng Wednesday na lumabas po ito, hindi na po ako nakakatulog, ang mga kasama kong mga opisyal sa DOH, hindi na rin halos nakakatulog. Bakit ‘ka ninyo?  Sa kahihiyan, we were bloodied and bludgeoned with this issue, and kung ganito nang ganito tayo, papaano tayo uunlad?” pahayag ni Duque.

 

 

Nilinaw naman ni Health Undersecretary Leopoldo Vega na kulang lang sila ng mga naisumiteng dokumento sa COA kaya kinakitaan ng deficiency.

 

 

Aniya, kinukumpleto pa nila ang mga dokumento para maisumite sa COA.

 

 

“Mula no’ng Wednesday na lumabas po ito, hindi na po ako nakakatulog, ang mga kasama kong mga opisyal sa DOH, hindi na rin halos nakakatulog. Bakit ‘ka ninyo?  Sa kahihiyan, we were bloodied and bludgeoned with this issue, and kung ganito nang ganito tayo, papaano tayo uunlad?” pahayag ni Duque.

 

 

Nilinaw naman ni Health Undersecretary Leopoldo Vega na kulang lang sila ng mga naisumiteng dokumento sa COA kaya kinakitaan ng deficiency.

 

 

Aniya, kinukumpleto pa nila ang mga dokumento para maisumite sa COA. (Daris Jose)

Other News
  • Jeepney phase out deadline pinalawig hanggang Dec. 31

    PINALAWIG  ng pamahalaan ang deadline ng phase out ng mga traditional jeepneys sa ilalim ng Public Utility Vehicle Modernization Program hanggang katapusan ng taon.       Ito ang inihayag ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa pamumuno ni chairman Teofilo Guadiz kung saan niya sinabi na magkakaron ng pagkakaantala ang consolidation ng […]

  • Baby girl ang first child nila ni Ben: IZA, nag-post kasama ang kanyang mommy at humihingi ng gabay

    NAGSIMULA na palang mag-grind ang next movie ng Viva Films, ang “Martyr or Murderer” na prequel ni Director Darryl Yap sa first blockbuster movie niyang “Maid in Malacanang.”       Nagkaroon muna sila ng photo shoot ng cast ng movie, maliban sa gaganap na young Corazon Aquino na pinipili pa nila.     Kaya may […]

  • MAINE, may katambal na rin sa comedy show nila ni VIC sa katauhan ni YASSER MARTA

    FINALE night na mamaya ng romantic-drama series na The World Between Us nina Alden Richards, Jasmine Curtis-Smith, Tom Rodriguez, Sid Lucero, Dina Bonnevie at Ms. Jaclyn Jose.     Kaya mas excited na ang mga netizens kung ano ang gagawin ni Louie (Alden) para maipaghiganti ang mga pananakit na ginawa ni Eric (Sid) kay Lia […]