Duque: P290-M ang kailangan para maayos ang binagyong health facilities sa Bicol
- Published on November 18, 2020
- by @peoplesbalita
Umapela ng pondo ang Department of Health (DOH) sa pamahalaan para sa pagsasa-ayos ng kanilang mga pasilidad at ospital sa Bicol region na sinalanta ng mga nagdaang bagyo.
Ayon kay Health Sec. Francisco Duque III, aabot sa P290-million ang kakailanganing pondo para maayos ang pinsalang idinulot ng sunod-sunod na bagyo sa kanilang mga pasilidad.
Kabilang na dito ang DOH-Center for Health Development-Bicol, Retained Hospitals at Treatment and Rehabiltation Centers, LGU Hospitals, Rural Health Units at Barangay Health Stations.
“One of the priorities is to repair the damage of isolation and quarantine facilities sa probinsya ng Albay, Camarines Sur, Camarines Norte aabutin ng P11.2-million,” ani Duque sa situatioin briefing kasama si Pangulong Rodrigo Duterte nitong Linggo.
“We need the money right away kasi this is a basic service thar needs immediate attention and repair is in order.”
Nakapamahagi na raw ang ahensya ng P40-million na halaga ng logistical assistance sa anim na probinsya ng rehiyon, pati na sa Naga City. Ilan sa kanilang ipinamahagi ay mga gamot, hygiene kits, at collapsable water containers.
Naambunan din ng tulong ng nasabing pondo ang mga pasilidad tulad ng Bicol Regional Training Teaching Hospital, Bicol Medical Center, at Bicol Region General Hospital and Geriatric Medical Center.
“Marami na rin tayong nagawa for post-disaster in areas of public health and medical services, nutrition complementing DSWD, and also water and sanitation hygiene services for affected communities, and mental health and psychosocial services.”
Tiniyak ng Health secretary na may sapat din na supply ng gamot ang rehiyon para sa mga binabantayang sakit tuwing panahon ng tag-ulan tulad ng leptospirosis, at iba pang communicable diseases.
Hinimok naman ni Pangulong Duterte ang mga ahensya ng pamahalaan na bilisan ang proseso ng paglalabas ng mga kailangang pondo sa pagbangon ng mga sinalanta ng mga nagdaang bagyo.
“Ang problema lang historically is that government moves slowly, especially the national government… So itong pangyayari, kung mabilisan ninyo, cut the time to something like half or more than.”
-
Tuloy ang laban sa sakit at ‘di susuko: KRIS, nagawa pang ireto ang kaibigan doktor kay CARLA
MULI ngang nagbigay ng health update ang TV host-actress na si Kris Aquino pamamagitan ng kanyang official Instagram account. Meron na namang nakita na bagong autoimmune disease sa kanyang katawan. Inamin ni Kris, na humina ang kanyang katawan at nabawasan din ang timbang, kasabay pa nawala ang gana niya sa pagkain. […]
-
Halos 1-K mga protesters sa Russia inaresto
NASA halos 1,000 katao na ang inaresto sa Russia dahil sa pagsasagawa ng kilos protesta sa iba’t ibang bahagi ng nasabing bansa. Sa Moscow pa lamang ay umabot na sa mahigit 330 katao ang kanilang ikinulong. Kinokondina ng mga Russian protesters ang ginawa ng kanilang sundalo na paglusob sa Ukraine. […]
-
Traslacion, hindi pahihintulutan ni Yorme hangga’t may COVID
NAGPAHIWATIG si Manila Mayor Isko Moreno Domagoso na hindi nito pahihintulutan na matuloy ang nakagawian ng mga debotong Kristyano na “Traslacion” sa ika-414 taon anibersaryo ng pagdiriwang ng Mahal na Poong Nazareno sa darating na Enero 9, 2021. Ayon kay Domagoso, bagama’t ilang buwan pa bago ang nasabing pagdiriwang ay nagpahatid na agad ito […]