Duque tiniyak kay Pangulong Duterte, maipamamahagi ang SRA at kompensasyon sa mga health workers sa Agosto 31
- Published on August 27, 2021
- by @peoplesbalita
TINIYAK ni Health Secretary Francisco Duque III kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte na maipamamahagi na ang special risk allowance at kompensasyon para sa mga health workers sa darating na Agosto 31.
Noong nakaraang linggo kasi ay binigyan ni Pangulong Duterte ng 10 araw na palugit ang Department of Health (DOH) at Department of Budget and Management para bayaran ang lahat ng naantalang benepisyo ng mga health workers.
Ayon sa Pangulo, gamitin na ng DOH at DBM ang ano mang natitirang pera at ibayad sa mga health workers.
“Within your prescribed deadline of 10 days, DBM will release the SARO (Special Allotment Release Order) tomorrow. We’ve been following it up to them and also the contingent fund… We are committed to deliver it in the said time frame you indicated,” ang naging pahayag naman ni Duque sa Talk to the People ni Pangulong Duterte, Martes ng gabi.
Kaugnay nito, kinumpirma ni Senador Christopher Bong Go na na-release na ang P311 million para sa Special Risk Allowance ng mga healthcare workers.
Sinabi ni Go na inatasan na rin ni Pangulong Duterte ang DBM at Executive Department na agad na mag-release ng pondo kapag hindi pa rin ito sapat.
Binigyang diin ni Go na maliit na halaga lang ang nasabing halaga kung ikukumpara sa sakripisyo ng mga health workers bagama’t walang katumbas na pera ang ginagawang serbisyo ng mga ito sa bayan.
Ayon kay Go, entitled sa SRA ang mga health workers na nakatoka sa mga COVID-19 patients at response.
Hinimok naman ni Go ang DOH na bilisan na ang proseso para makatutok na sa kanilang trabaho kasabay ng paghimok sa Senado na madaliin din ang pagdinig sa mga isyu na sangkot ang DOH para makatutok na ang mga tauhan at opisyal nito sa kanilang mandato sa bayan.
Sa ulat, tinatayang nasa P311 million ang hinihingi ng DOH para sa 20,156 health workers.
Ayon naman sa DBM, may mga nakikita nang pagkukuhanan ng pondo para rito.
‘Yung para doon sa government healthcare workers kukunin ‘yun sa isang special purpose fund… Ang tawag diyan eh miscellaneous personnel benefits fund…. Ang medyo may issue lang ‘yung para du’n sa galing sa private hospitals… Within the 10 day period mare-release ‘yon pero optimistic ako na within this week,” sabi ni DBM OIC Undersecretary Tina Canda.
Noong Lunes, ipinaliwanag ng DOH-NCR ang guidelines sa COVID-19 benefits.
Ang special risk allowance (SRA) halimbawa, para lang sa mga naka-assign sa COVID-19 hospitals at facilities.
Ang COVID-19 compensation ay para lang sa mga symptomatic na nagkasakit sa trabaho.
Habang ang meals, accommodation at transportation allowance, makukuha lang kung hindi ito kayang ibigay ng isang pasilidad.
Nagbigay din ng August 26 na deadline sa mga ospital para sa pagsusumite ng listahan ng eligible health workers.
Nauna na ring sinabi ng Private Hospitals Association na marami sa kanila ang matagal nang nakapagsumite ng mga requirements pero sadyang napakabagal ng proseso ng DOH.
Nagbabanta ng malaking protesta ang mga health workers kapag hindi naibigay ang kanilang benepisyo sa September 1.
Bagama’t nakikiusap ang Palasyo na huwag ituloy ito, hindi na rin daw mapipigilan kung maraming mag-resign dahil labis na ang pagkadismaya sa kanilang kalagayan. (Daris Jose)
-
Olympic meeting sa Beijing kinansela dahil sa banta ng covid-19
Kinansela ang gagawing sports conference ng mga Olympic stakeholder sa Beijing dahil sa coronavirus outbreak. Dahil dito ang nasabing pagpupulong na gaganapin mula Abril 19 hanggang 24 ay gagawin na lamang sa Lausssane, Switzerland. Magpapalitan kasi ng mga idea ang mga iba’t ibang sports governing bodies tatlong buwan bago ang gaganaping Tokyo Olympics. […]
-
Sobrang nag-benefit ang mga artista: EULA, blessed na na-experience ang first collab ng GMA at ABS-CBN
KASAMA nga si Eula Valdes sa ensemble cast ng first-ever collaboration ng GMA Network at ABS-CBN Entertainment, ang “Unbreak My Heart” na napapanood na ngayon sa GMA Telebabad , Pinoy Hits, at I Heart Movies, 9:35 p.m., at sa GTV ng 11:25 p.m. Pinagbibidahan ito nina Joshua Garcia, Gabbi Garcia, Richard Yap […]
-
De Leon, Revilla magiging magkakampi na naman uli
NAAATAT si Philippine Volleyball League (PVL) star Isabel Beatriz ‘Bea’ De Leon ng Choco Mucho Flying Titans na maging kasanggang muli ang kinikilala niyang ate-atehang iniidolo ang tumawid ng nasabing liga na si Dennise Michelle ‘Denden’ Lazaro-Revilla na galling Philippine SuperLiga (PSL). “Can’t wait to win a championship with you,” sambit ng 24 […]