• September 14, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Durant, ‘di sigurado kung kelan magbabalik sa game dahil sa panibagong injury

Wala pang kasiguraduhan ang Brooklyn Nets kung kelan makakabalik ang kanilang superstar na si Kevin Durant matapos na ma-injure na naman sa game kanina kontra sa Miam Heat.

 

 

Una rito, nasilat ng Miami ang itinuturing na isa sa powerhouse team na Brooklyn, 109-107.

 

 

Sa kalagitnaan ng unang quarter pa lamang ay inilabas na sa game si Durant matapos na magtamo ng left thigh contusion.

 

 

Nakaipon naman ng walong puntos si Durant bago ito pinalabas sa playing court sa natitirang 7:57 minutes.

 

 

Sinasabing nasaktan ang kaniyang hita ng mabangga niya si Heat forward Trevor Ariza nang ito ay mag-drive.

 

 

Ayon kay Brooklyn coach Steve Nash, aalamin pa nila sa gagawing pagsusuri kay Durant kung gaano kalala ang panibago na naman nitong injury.

 

 

“He’s sore but we don’t know how severe,” ani Nash. “We’ll see tomorrow how he wakes up and go from there. But right now nothing’s been determined.”

 

 

Sa kabuuan umaabot na sa 33 games na bigong makalaro si Durant mula sa 57 games ng Brooklyn.

 

 

Sa naging laro kanina, bumida ang big man na si Bam Adebayo na siyang nagpanalo ng dalawang puntos na kalamangan ng Miami gamit ang buzzer beater.

Other News
  • Maiintindihan ng JulieVer fans na hindi si Julie Anne: RAYVER, first time na makatatambal si JASMINE sa isang serye

    SI Jasmine Curtis-Smith ang makatatambal ni Rayver Cruz sa bago niyang teleserye na ‘Asawa Ng Asawa Ko.’       “Si Jas, lagi ko naman nakakasama, lagi kong nakikita si Jas sa mga events, and sa mga guestings, ‘pag may gathering ng mga artists pero first time, first time to work with her kaya nakaka-excite,” […]

  • Kamara may kapangyarihan na maglipat ng pondo kasama ang CIF

    NASA kapangyarihan umano ng Kamara ang paglilipat ng alokasyon sa ilalim ng panukalang budget at kasama rito ang confidential and intelligence funds (CIF) ng iba’t ibang ahensya.     “There’s no question about it. The Congress, particularly the House, where the national budget bill originates, possesses that power. It is granted by the Constitution. The […]

  • ‘NCR MAYORS, NAIS ANG ‘STABLE DECLINE’ SA COVID-19 CASES BAGO HUMIRIT NG MGCQ’

    NAIS umano munang makita ng mga alkalde sa Metro Manila na tuloy-tuloy na ang pagbaba ng mga kaso ng COVID-19 bago irekomendang ibaba na ang rehiyon sa Modified General Community Quarantine (MGCQ).   Sa ngayon kasi ay pinalawig ng Inter-Agency Task Force ang General Community Quarantine (GCQ) status ng Kalakhang Maynila hanggang sa katapusan ng […]