• September 24, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Duterte at BI Com Jaime Morente, inaasahang maghaharap

INAASAHANG magkaka-face-to-face sina Pangulong Rodrigo Roa Duterte at Bureau of Immigration Commissioner Jaime Morente sa gitna ng naungkat na bribery scandal sa ahensiyang pinamumunuan nito.

 

Posibleng mangyari ang paghaharap ng dalawa sa susunod na cabinet meeting kung saan ay nais mismo ng Pangulo na malaman ang pagpapatakbo ni Morente sa Immigration Bureau.

 

Ayon sa isang source, kanyang sasabihan ang BI chief na dumalo sa cabinet meeting na posibleng gawin sa unang Lunes, Marso 2, 2020.

 

Sa naturang pulong ng mga miyembro ng gabinete ay inaasahang mismong si Morente ang magpe-presenta sa Chief Executive sa kung paano nito pinangangasiwaan ang BI at kung ano ang sitwasyon sa ahensiya kasunod ng nabuking na anomalya ng ilang mga kawani at opisyal nito.

 

Kaugnay nito ay sinibak na sa pwesto ng Pangulo ang lahat ng mga nasangkot sa bribery scheme sa airport na tinaguriang ‘pastillas modus’. (Daris Jose)

Other News
  • Delta variant, 8 tao kayang hawaan sa loob ng 1-2 minuto

    Higit na nakakatakot ang Delta variant kumpara sa iba pang variants dahil kaya nitong manghawa ng hanggang walo katao na nasa kaniyang paligid, at ang walo naman na nahawaan ay kaya ring makahawa ng walo pa bawat isa.     Ayon kay Dr. Edsel Salvaña, ng Inter-Agency Task Force Technical Advisory Group, higit 60 por­syentong […]

  • DOLE pinaalalahanan ang mga employer na libre ang bakuna sa kanilang empleyado

    Muling nagpaalala ang Department of Labor and Employment (DOLE) na hindi dapat ibigay ng libre ng mga private company ang mga bakuna laban sa COVID-19.     Ayon kay DOLE Secretary Silvestre Bello III na ipinagbabawal sa batas na ipabayad sa empleyado ang nasabing bakuna dahil sagot ito ng gobyerno.   Kahit na ang mga […]

  • Eala umukit ng kasaysayan!

    GUMAWA ng kasaysayan si Alex Eala bilang kauna-unahang Pilipinong tennis player na nakatungtong sa finals ng isang Grand Slam event.     Nagawa ito ni Eala matapos pataubin si ninth seed Canadian Victoria Mboko, 6-1, 7-6 (5) sa semifinals ng US Open girls’ singles kahapon sa USTA Billie Jean King National Tennis Center sa Flushing […]