Duterte-Duterte ticket sa Eleksyon 2022, walang pag-asa- Sec. Roque
- Published on August 27, 2021
- by @peoplesbalita
WALANG pag-asa na magkaroon ng Duterte-Duterte ticket sa Eleksyon 2022.
Ito ang inihayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque kung pagbabasehan ang sinabi ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na ‘out’ na sila ni Senador Bong Go kapag nagdesisyon ang kanyang anak na si Mayor Sara Duterte-Carpio na tumakbo sa pagka-pangulo sa halalan sa susunod na taon.
“Well, unang una, I will quote the words of the President, dahil sinulat ko po ‘yan as he was speaking, I quote, “Kung tatakbo si Mayor Sara, Bong will not run for president. If Sara runs, out na rin ako because of this delicadeza. Hindi pupuwedeng dalawa kami diyan. So iyon po ang mga binanggit na salita ni Presidente. Iyong ipinakita po [kagabi] ay kung hindi nga tatakbo si Mayor Sara. But I think ang naging mensahe ng Presidente, it’s the call of Mayor Sara Duterte, if she runs, then Sen. Bong Go and he will not run,” litanya ni Sec. Roque.
At sa tanong kung kailan malalaman ang pinal na posisyon ng Pangulo sa usaping ito ay sinabi ni Sec. Roqu na depende na iyon kay Mayor Sara.
“But in the words of the President, if Mayor Sara decides to run, then she will be the candidate. At dahil nga po sa delicadeza, wala pong pag-asa ang Duterte-Duterte ticket,” aniya pa rin.
Samantala, tiniyak naman ni Sec. Roque na hindi makaaapekto ang mga election issues sa COVID-19 response ng pamahalaan.
Sa katunayan aniya ay tuloy-tuloy ang ginagawang pagbabakuna ng gobyerno.
Bukod pa sa tuloy-tuloy pa rin aniya ang pag-eengganyo ng pamahalaan sa lahat ng mga mamamayang filipino na “mag-prevention, detection, isolation, treatment, and reintegration.”
” So ibig sabihin po, bagama’t hindi natin mapo-postpone ang eleksyon dahil iyan po ay nakaukit sa Saligang Batas, tuloy-tuloy pa rin po ang ating COVID-19 responses. At ang pangako nga po natin, gagawin natin ang lahat para ma-achieve ang population protection by December of this year,” ayon kay Sec. Roque. (Daris Jose)
-
PAGBILI NG COVID-19 VACCINE, DAPAT GOV’T-TO-GOV’T TRANSACTION – DUTERTE
MAS gusto ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang government-to-government transaction sa pagbili ng vaccine laban sa COVID-19 mula sa China. Ang katwiran ng Pangulo, mas bukas kasi ang korapsyon kapag nakipag-deal sa private entities. “Ayaw ko ‘yung bibili tayo sa private Chinese businessmen. Diyan magkakalokohan,” ayon kay Pangulong Duterte sa kanyang taped address, […]
-
Pahulaan sa netizens kung sino ang pinatatamaan: GABBY, may reaksyon sa pagmamanipula sa anak na magalit sa ama
PAHULAAN sa mga netizen kung sino ang pinatatamaan ni Gabby Concepcion sa quote na kaniyang ibinahagi sa kaniyang latest Instagram post. Sa nasabing post ay walang dudang may pinatatamaan si Gabby, ito ay tungkol sa mga taong nagmamaniobra diumano ng anak para magalit sa ama nito, huh! Banggit pa ng aktor na ang ganung klaseng […]
-
Malaki ang utang na loob niya kina Abby: LEANDRO, inalala ang ginawang pagti-trip sa kanya ni ROSANNA
INALALA ng dating sexy actor na si Leandro Baldemor na pinagtripan siya ni Rosanna Roces sa photo shoot ng pelikula nilang “Patikim Ng Pinya” na ipinalabas noong 1996. Nakachikahan namin si Leandro sa bahay niya sa Paete, Laguna at sa kanyang gallery noong Biyernes, May 3. Kuwento actor tungkol […]