Duterte humalik sa lupa
- Published on September 2, 2020
- by @peoplesbalita
Hinalikan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang lupa kung saan naganap ang pagsabog sa Jolo, Sulu.
Binisita ni Duterte ang lugar kung saan lumuhod siya at humalik sa lupa.
“That’s why when I visited the blast — and thank you for sharing with me the gesture — lumuhod ako, hinalikan ko ‘yung at least semento to where my soldiers and the countless and the num — at saka ‘yung mga Tausug na walang ka — their lives snuffed out for no reason at all,” ani Duterte sa kanyang pagbisita nitong Linggo.
Sinabi ni Duterte na hinalikan niya ang lupa dahil hindi man lamang nakapag-sign of the cross ang mga namatay sa biglang pagsabog.
“Walang kasalanan kaya ako lumuhod, hinalikan ko ‘yung lupa kasi hindi lang man nakapagtawag ‘yung “Allah, I commit my…” o nagpaka-sign of the cross before dying,” paliwanag ni Duterte.
Sinabi rin ni Duterte na “unfortunate” ang nangyari na patunay na hindi dapat magpaka-kampante pagdating sa isyu ng terorismo.
Ipinaalala rin ng Pangulo sa mga sundalo na dapat palaging maging prayoridad ang kaligtasan ng komunidad at mga mamamayan.
Naganap ang pagsabog noong Agosto 24 kung saan nasa 15 katao ang namatay kabilang ang pitong sundalo.
-
Proseso sa pagbili ng PS-DBM ng PPEs, face mask wastong nasunod; walang ‘overpricing’ – COA
Nilinaw ng Commission on Audit (COA) na walang iregularidad sa proseso nang pagbili ng PS-DBM ng mga personal protective equipment (PPEs) sa gitna ng COVID-19 pandemic. Sa pagdinig ng House Committee on Good Government and Public Accountability, sinabi ni COA chairman Michael Aguinaldo na hindi inikutan ng PS-DBM ang procurement laws sa pagbili […]
-
PBBM nakatutok sa paghina ng piso
MAHIGPIT na binabantayan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang paghina ng piso laban sa US dollar, ayon kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles. Bagaman at hindi napag-usapan sa isinagawang meeting ng Gabinete ang isyu sa paghina ng piso kontra dolyar, patuloy na nakikipag-ugnayan ang Pangulo sa kanyang economic team. Naitala noong Setyembre […]
-
Ministry of Defense, naglunsad ng imbestigasyon sa leak ng detalye sa 250 Afghan interpreters
Ipinag-utos ni British Defence Secretary Ben Wallace ang agarang imbestigasyon matapos na malabag ang data privacy ng nasa mahigit 250 Afghan interpreters na dating naninilbihan sa UK military forces. Inamin ng Ministry of Defence (MoD) na nagkaroon ng leak sa mga impormasyon hinggil sa email address ng mga Afghan interpreters na humihiling ng […]