Duterte, nagbabala na maghihigpit kung patuloy ang pagbalewala sa health protocols
- Published on June 9, 2021
- by @peoplesbalita
Nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte na magpapatupad ng paghihigpit sakaling patuloy na binabalewala ng mga tao ang mga ipinapatupad na health protocols.
Sa kanyang address to the nation nitong Lunes ng gabi, sinabi ng pangulo na mangyayari ang nasabing hakbang sakaling dumami ang bilang ng mga lumalabag sa itinakdang panuntunan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Disease.
Hindi naman nito tinukoy kung anong paghihigpit ang kaniyang ipapatupad subalit ikinabahala nito ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Bacolod at Cagayan de Oro dahil may mga ibang tao sa nabanggit na lugar na tila wala na raw sa kanila ang nararanasang pandemiya.
Iginiit nito na may kapangyarihan ang pangulo na magpatupad na paghihigpit kung malalagay sa panganib ang kalusugan ng ibang tao. (Gene Adsuara)
-
Creative economy ng Pinas, lumago ng P1.94T noong 2024, tumaas ng 8.7%
NAKALIKHA ang creative industries ng Pilipinas ng P1.94 trillion na halaga ng kontribusyon sa ekonomiya ng bansa noong 2024. Ito ang makikita sa data na ipinalabas ng Philippine Statistics Authority (PSA). Sa katunayan, sa preliminary data mula sa PSA, makikita na ang domestic creative economy ay lumago ng 8.7% noong nakaraang taon mula sa P1.78 trillion […]
-
DOH nangangambang tataas ulit ang COVID-19 cases habang papalapit ang Pasko
Nangangamba ang Department of Health (DOH) na tumaas ulit ang maitatalang mga bagong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas ngayong papalapit na ang Pasko. Sa briefing ng House Committee on Trade and Industry, binigyan diin ni DOH Epidemiology Bureau Dir. Alathea de Guzman na hindi dapat nagpapakampante ang publiko sa kabila nang pagbaba ng […]
-
Malalang korapsiyon sa Pilipinas
UNANG pumutok ang korapsiyon sa ating bansa matapos ipahayag ni Senator Manny Pacquiao na diumano’y talamak na ito sa ating pamahalaan at ito’y trumiple pa kumpara sa nakalipas na administrasyon. Agad naman ito pinabulaanan ng kaslukuyang pamahalaan, anila ang naturang Senador ay namumulitika lang dahil sa kanyang political ambition kasabay ng isang hamon na pangalanan […]