• April 25, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Duterte naiinip na sa bakuna

Naiinip na si Pangulong Rodrigo Duterte sa paghihintay sa pagdating ng COVID-19 vaccine sa Pilipinas, ayon sa Malacañang.

 

 

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na nagsalita na mismo ang Pangulo na naiinip na siya at inaasahan niyang mas magiging mabilis na ang lahat ng mga naatasan kaugnay sa mga kukuning bakuna ng gobyerno.

 

 

“Pero tatapatin ko na po kayo, si Presidente nagsalita na, siya mismo naiinip na, kinakailangan dumating na ang mga bakuna. Kaya naman siguro dahil nagsalita na ng ganiyan ang Presidente ay gagalaw ng mas mabilis ang lahat,” ani Roque.

 

 

Nauna nang inasahan ang pagdating ng bakuna na gawa ng Pfizer ngayong Pebrero pero naantala ito at wala pang katiyakan kung kailan petsa dahil sa isyu indemnification o katiyakan na hindi sila ang magbabayad sakaling magkaroon ng side effect ang bakuna.

 

 

Kaugnay sa mga mungkahi na payagan na lamang ang mga local government units (LGUs) na sila ang direktang bumili ng bakuna, ipinaliwanag ni Roque na hindi ito maaari dahil sa kawalan ng general use authorization.

 

 

Ipinaliwanag din ni Roque na ang pagbili ng bakuna ay “special arrangement” sa pagitan ng vaccine developers at ng mga gobyerno.

 

 

Nauna rito, nilagdaan ni Duterte ang isang Memorandum Order kamakalawa na nagbibigay ng kapangyarihan sa mga LGUs na magbayad ng higit sa 15% na advance payment sa mga bakunang binili sa pamamagitan ng tripartite agreement kung saan kasama nila sa kontrata ang manufacturer at national government. (Daris Jose)

Other News
  • NEW MUSICAL “CINDERELLA” UNVEILS OFFICIAL TITLE TREATMENT

    GET ready for Columbia Pictures’ musically-driven, bold new Cinderella featuring global artists and original songs performed by Camila Cabello, Billy Porter, and Idina Menzel.   Coming soon to Philippine cinemas.   As production on the film has officially wrapped, check out Cinderella’s newly launched official title treatment below.   Cinderella will be distributed in the […]

  • Mylah Roque nasa Singapore

    NASA Singapore si Mylah Roque, misis ni dating Presidential Spokesperson Harry Roque para magpa-checkup sa karamdaman nito sa nasabing bansa.   Ito ang kinumpirma nitong Miyerkules ni Quad Comm Chairman at Surigao del Sur 2nd District Rep. Robert Ace Barbers base sa report at rekord ng Bureau of Immigration (BI).     “I cannot judge […]

  • Presyo ng bigas posibleng pumalo sa P60/kilo

    NAGBABALA ang isang rice price watchdog na maaaring umabot ng hanggang P60 ang kada kilo ng regular-milled na bigas sa bansa hanggang sa panahon ng Kapaskuhan.     Ang babala ay ginawa ng Bantay Bigas bunsod na rin ng gaps sa lokal na suplay at tumataas na presyo ng international market.     Ayon kay […]