Duterte: Pagkain, tubig ang pinaka-kailangan ngayon ng Cagayan
- Published on November 18, 2020
- by @peoplesbalita
Pinamamadali ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang gabinete ang pamamahagi ng relief goods sa mga residente ng Cagayan Valley na sinalanta ng bagyong “Ulysses.”
Nang mag-aerial inspection si Duterte sa Tuguegarao City, na sinundan ng meeting kasama ang kanyang Cabinet officials.
“Ang problem talaga sa sunog o baha is water, clean water; potable water. Kung wala, then we will send them here even if to travel overnight; then food to sustain them (residents),” ani Duterte.
Nagpasalamat ang pangulo sa mga local government units na naging aktibo sa responde ng mga na-stranded na residente.
Nagpaabot din ng pakikiramay ang chief executive sa pamilya ng mga binawian ng buhay sa gitna ng pananalasa ni “Ulysses.”
“My solidarity and condolence go out to my fellow Filipinos in Cagayan Valley, most especially the berieved family of victims of the unprecedented flooding that occured in the area.”
“We are saddened to know that 22 persons perished while few are still missing.”
Binigyang diin ni Duterte ang kanya raw natutunan mula kay dating Pangulong Fidel V. Ramos, na dapat ding isaisip ng bawat opisyal.
“After a catastrophe, whatever (if its) fire or flood, the objective should be to return to normalcy as soon as possible.”
Tiniyak ng presidente na kumikilos ang buong administrasyon para maka-ahon mula sa dinulot na kalbaryo ng bagyong “Ulysses” ang buong Cagayan region.
“I want to personally assure our fellowmen here that government will continue its rescue operations until all families are saved, all casualties and missing are accounted for; and all affected individuals and community received their needed relieved assistance.”
-
P3-M bagong logo ng PAGCOR inulan ng batikos
INULAN ng batikos ang itsura ng bagong labas na logo ng Philippine Amusement and Gaming Corp. sa ika-40 anibersaryo nito — bagay na nagkakahalaga ng P3.03 milyon ayon mismo sa gobyerno. Martes nang ibunyag sa publiko ang naturang logo sa Marriott Hotel Manila, na siyang dinaluhan pa ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First […]
-
Ads January 9, 2024
-
Balik-serye na sa 1st quarter ng 2023: JENNYLYN, nag-post uli ng photo ni Baby DYLAN na pinusuan ng mga netizens
SA 2023 na ang pagbabalik ni Jennylyn Mercado sa paggawa ng teleserye. Nabanggit niya ito sa isang interview na sa first quarter of 2023 siya muling magiging aktibo sa pag-arte sa TV. Kung matatatandaan ay natengga ang teleserye nila ni Xian Lim na Love. Die. Repeat dahil biglang nabuntis si Jen. Sey naman ni Jen […]