• May 20, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Duterte personal na sinalubong pagdating ng 2.8-M doses ng Sputnik V

Pinangunahan ng Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsalubong nitong Lunes ng gabi sa pagdating ng 2.8 million doses ng Sputnik V sa Villamor Air Base sa Pasay City.

 

 

Ang malaking bulto ng bakuna mula sa Russia ay binili ng gobyerno.

 

 

Nagbigay naman ng maiksing talumpati ang pangulo kung saan pinasalamatan niya ang Russia kasabay din nang panawagan sa publiko doon sa mga hindi pa nagpapabakuna.

 

 

“The government cannot do this alone, and we need your active participation by getting vaccinated and strictly following minimum health standards,” ani Duterte.

 

 

Samantala, kasama rin ng pangulo na sumalubong ay si Russian Ambassador to the Philippines Marat Pavlov, Senator Bong Go, vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr., DILG Secretary Eduardo Año, Presidential Assistant on Foreign Affairs Usec. Robert Borje, Health Usec. Ma. Carolina Vidal-Taiño, Philippine Archipelago International Trading Corporation Chairman Benito Yap Aw at PAITC President Olivia Limpe Aw.

 

 

Samantala ang latest delivery ng Sputnik V vaccine ay nagdagdag para umabot na sa 7.19 million ang natanggap ng bansa mula sa 10 million doses na inorder ng gobyerno ng Pilipinas. (Daris Jose)

Other News
  • “BLACK ADAM” INTRODUCES THE JUSTICE SOCIETY OF AMERICA TO THE BIG SCREEN

    Hawkman, Doctor Fate, Atom Smasher, Cyclone — introducing the members of the Justice Society of America. See them in action in Warner Bros.’ epic superhero adventure “Black Adam,” smashing in cinemas and IMAX across the Philippines starting October 19.       Check out the featurette “Introducing the JSA” below:     YouTube: https://youtu.be/TjhoHrYX4NY     From […]

  • RCB Basilan 5-Cockfest, balik-tukaan

    MAGBABALIK ang mga serye ng mga ‘Big Event’ cockfest sa Pasay City Cockpit sa pamamagitan ng RCB Basilan 5-Cock Derby sa Biyernes, Marso 13 na may 40 sultada.   Patuka ito ni Ronald Barandino ng Basilan, ang 2012 World Slaher Cup champion, at mga itataguyod naman ng Sagupaan Superfeeds at Complexor 3000.   Kalahok din […]

  • Malawakang brownout naranasan sa Taiwan matapos magka-aberya ang kanilang powerplant

    NAKARANAS ng malawakang brownout ang capital city ng Taiwan na Taipei.     Ayon kay economic affairs minister Wang Meihua, na nagkaroon ng aksidente sa power plant na matatagpuan sa southern Taiwan.     Nagkaroon umano ng problema sa transformer ng Xingda power plant sa Kaohsiung kung kayat agad nilang binuha ang backup sources ng […]