DUTERTE: TALAMAK PA RIN ANG KORUPSYON SA DPWH
- Published on October 17, 2020
- by @peoplesbalita
MISMONG si Pangulong Rodrigo Duterte na ang nagsabi na talamak pa rin ang korupsyon sa Department of Public Works and Highways (DPWH).
Ginawa ni Pangulong Duterte ang pahayag sa kanyang public address kagabi matapos ang meeting sa Inter-Agency Task Force for the Management of the Emerging Infectious Diseases (IATF).
Sinabi ni Pangulong Duterte, pangunahin dito ang mga project engineers na kasabwat ang mga tiwaling contractors.
Ayon kay Pangulong Duterte, walang konstruksyon na uumpisahan kung walang transaksyon o lagayan.
Kaya hinihikayat umano ni Pangulong Duterte ang Kongreso na busisiin ang mga proyekto sa ilalim ng DPWH para malaman ang sinasabi niyang transaksyon.
“Ito lang, itong mga contractor. The first whiff, makaamoy ka lang na hinihingian ka… Dito sa DPWH malakas ‘yan diyan. Projects, ‘yung mga project engineers, iyan, iyan lahat, road right-of-way, grabe ang corruption diyan. Walang — walang construction na uumpisa dito na walang transaction. Mayroon ‘yan,” ani Pangulong Duterte.
“If Congress would want really to know, ang mga project ng DPWH mayroon talaga ‘yan para sa give. Hindi ko — hindi ko alam kung sino. There are so many officials lined up in the bureaucratic maze so hindi ko alam kung sino diyan, pati ‘yung sa medisina and all.” (Ara Romero)
-
Show cause orders, ipinalabas laban sa 48 LGUs
IPINALABAS na ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año ang show cause orders laban sa 48 local government units para sa mabagal na distribusyon ng cash aid o ayuda para sa mga Typhoon Odette survivors. Sa Talk to the People ni Pangulong Duterte, araw ng Martes, sinabi ni Año na hiniling niya […]
-
Toll fees sa NLEX at SCTEX magiging ‘cashless’ na
Magiging ‘cashless’ na ang lahat ng mga toll lanes ng dalawang pangunahing tollways sa Northern Luzon dahil sa pagpapatupad ng RFID stickers. Ayon sa Metro Pacific Tollways Corp., ang nag-ooperate ng North Luzon Expressways at Subic-Clark-Tarlac Expressway, magsisimula ang nasabing cashless tollway bago ang Nobyembre 2. Ang nasabing hakbang ay para maiwasan na […]
-
DOTr, NLEX lumagda sa kasunduan tungkol sa PNR Clark 2
Lumagda ang Department of Transportation (DOTr) at NLEX Corp. sa isang kasunduan upang masiguro ang tuloy-tuloy na construction ng PNR Clark Phase 2 (Malolos-Clark) project. Sa nasabing kasunduan, napapaloob at nasasaad dito ay ang paghahanda sa mga coordinated designs, traffic management, safety at security plans na kailangan upang masiguro na ang construction ng […]