Duterte tatakbong VP sa 2022 elections
- Published on August 26, 2021
- by @peoplesbalita
Pormal nang tinanggap ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pag-eendorso sa kanya ng ruling party Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) na tumakbong bise-presidente sa darating na halalan sa Mayo 2022.
Inanunsiyo noong Martes ni Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles, executive vice president ng PDP-Laban, na pumayag na ang Pangulo sa alok ng partido na tumakbong vice president sa darating na halalan.
Ani Nograles, nakipagpulong si Pangulong Duterte nitong Lunes sa mga opisyal ng partido.
“President Rodrigo Roa Duterte agreed to make the sacrifice and heed the clamor of the people, and accepted the endorsement of the PDP Laban Party for him to run as Vice President in the 2022 National Elections,” sabi ni Nograles.
Ang naturang paksyon ng PDP-Laban na pinamumunuan ni Energy Secretary Alfonso Cusi ang siya ring nagnomina kay Sen. Bong Go para maging “manok” sa pampanguluhang karera sa 2022.
Matatandaang ipinahayag ng Pangulo na ikokonsidera o tatakbo lamang siya sa pagkabise-presidente kung ang magiging katambal o pangulo niya ay isang kapartido at makakasundo sa pagpapatakbo sa gobyerno.
Maaalala rin na ininomina o inendorso ng national executive council ng PDP-Laban ang tambalan nina Sen. Go at President Duterte para maging pambato nito sa darating na pambansang halalan.
Sinabi naman ni Sen. Go na hindi siya interesado na tumakbo sa pagka-pangulo.
“Nakatutok ako sa aking tungkulin bilang senador upang tulungan ang bansa na malampasan ang krisis na ating hinaharap. Bakuna muna bago pulitika. Mas mabuti unahin niyo na muna ’yung mga interesado na tumakbong Pangulo,” wika ni Go.
Ang Go-Duterte ang itinuturing na “super-tandem” at walang katibag-tibag sa darating na eleksyon dahil maraming naniniwala na ito ang magpapatuloy ng magagandang nasimulang programa at proyekto ng Duterte administration.
“As I have said many times before, I leave my fate to God, to the Dutertes (both PRRD and Mayor Sara) — kung ano man po ang kanilang magiging desisyon sa pulitika — and to the Filipino people to whom I owe this opportunity to serve our country. Sila po ang nagbigay sa akin ng pagkakataon na maglingkod kaya hindi ko po sasayangin ang oras na ito na makapagserbisyo sa aking kapwa Pilipino sa abot ng aking makakaya,” anang mambabatas. (Daris Jose)
-
Sinumpaang tungkulin, hindi pinipersonal
HINDI umano personal kundi tinutupad lamang ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez at ng mga miyembro ng Kamara ang kanilang tungkulin ng muling suspendihin si Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves Jr. na nagtatago at humingi ng political asylum sa ibang bansa. “Hindi natin papayagan na sirain ninuman ang integridad ng kongreso. Walang personalan dito. […]
-
Pupunta si Kathryn pero ‘di invited si Daniel: Dream wedding ni BEA, siguradong tutuparin ni DOMINIC
AYON sa isang panayam, inamin ni Dominic Roque na nagpi-prepare na sila ni Bea Alonzo para sa kanilang kasal na mangyari na taong ito. Mula nang pumasok ang 2024 ay nagsimula na sila ng kanyang fiancee sa kanilang wedding preparation, na kung saan pareho silang excited. “The wedding is happening outside Metro […]
-
Trump, nagbantang dudulog sa Supreme Court; inireklamo ang ‘pandaraya’ ng Biden camp
INAKUSAHAN ni US President Donald Trump ang mga Democrats na sinusubukan ng mga ito na “magnakaw” ng isang panalo. Ayon kay Trump, pinagha-handan na nila ang isang malaking pagdiriwang dahil naniniwala siyang siya ang mananalo sa halalan ngunit bigla itong nawala dahil sa pandaraya umano na ginawa ng kampo ng kanyang katunggali na si […]