• April 19, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

E-Konsulta services ni Robredo tinapos na; mahigit 58-K ang natulungan

TINAPOS na ni Vice President Leni Robredo ang mga serbisyo ng Bayanihan E-Konsulta ng kanyang opisina matapos tumulong sa mahigit 58,000 katao, isang buwan bago siya bababa sa pwesto.

 

 

Inanunsyo ni Robredo ang huling araw ng libreng telemedicine platform ng Office of the Vice President (OVP) na inilunsad noong Abril 2021 upang matulungan ang mga pasyente ng COVID-19 at iba pang sakit na makakuha ng medikal na atensyon sa pamamagitan ng tele-consultation.

 

 

Nagbigay din siya ng pagpupugay sa lahat ng mga volunteers para sa inisyatiba na kinabibilangan ng 947 mga doktor at 1,761 na mga call or chat agents.

 

 

Bukod sa libreng telemedicine services, nagbigay din ang Bayanihan E-Konsulta ng libreng COVID-19 care kits na kinabibilangan ng mga gamot, bitamina, thermometer, box ng facemask, oximeter, disinfectant, at alcohol.

 

 

Samantala, sinimulan na ni Robredo ang pag-iimpake ng kanyang mga gamit mula sa kanyang opisina sa Quezon City habang malapit nang matapos ang kanyang termino.

 

 

Nagbahagi siya ng mga larawan sa social media ng mga salansan ng mga kahon na pumupuno sa mga sulok ng opisina, na aniya ay mga souvenir sa kanyang anim na taon bilang bise presidente.

 

 

Nasundan ni Robredo si President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. noong 2022 elections’ presidential race na may 14 million votes kumpara sa dating senador na mahigit 31 million votes.

Other News
  • Tanong ng netizens, bakit pati sina Liza at Julia? : KATHRYN, in-unfollow na si DANIEL kaya malabo nang magkabalikan

    NAGING usap-usapan ng netizens ang ginawang pag-unfollow ni Kathryn Bernardo kanyang ex-boyfriend na si Daniel Padilla sa Instagram.     Tila nagbigay na ng hudyat si Kath na imposible na silang magkabalikan pa ni DJ, na balitang muling nanunuyo sa babaing minahal nang lubusan.     Napanood nga sa video sa kasal nina Robi Domingo […]

  • Nagandahan sa kanya nang magbihis-babae… XIAN, natuwa at nagpasalamat sa suporta ng kanyang ina

    NAGING very professional si new Kapuso leading man Xian Lim.     Siya ang isang actor na hindi tumatanggi sa role na ibinibigay sa kanya. This week nga ay pasabog ang finale ng GMA Primetime series na False Positive nila ni Kapuso actress Glaiza de Castro.     Last Monday nga nagsimula nang mapanood si […]

  • Pag-host ng PH sa FIBA Asia Cup qualifiers, kanselado dahil sa travel ban – SBP

    Kinansela na ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ang pag-host ng Pilipinas sa FIBA Asia Cup Qualifiers sa Pebrero dahil sa ipinataw na travel ban ng bansa bunsod ng bagong variant ng COVID-19.     Nakatakda sanang gawin sa bansa ang mga laro ng Group A at C sa ikatlo at huling window ng qualifiers […]