• January 13, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

E-sabong, patuloy na binabantayan ng PNP

TINIYAK ni Philippine National Police Chief PGen Benjamin Acorda Jr. na patuloy na binabantayan ngayon ng Pambansang Pulisya ang online sabong sa bansa.

 

 

Sa isang pahayag ay sinabi ni PGen Acorda na sa ngayon ay patuloy ang isinasagawang pakikipag-ugnayan ng Pambansang Pulisya sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan partikular na pagdating sa mga impormasyong may kaugnayan sa patuloy na pagpapatakbo ng e-sabong o online cockfighting.

 

 

Aniya, tuluy-tuloy ang ginagawang pagtutok ngayon ng PNP Anti Cybercrime Group dito sa pamamagitan ng patuloy na cyber patrolling kasabay na rin ng pakiki-ugnayan nito sa National Telecommunications Commission.

 

 

Dagdag pa ni Acorda, sa katunayan ay mayroon nang mga operators ng e-sabong ang kanilang ipina-take down, ngunit inamin din niya na may ilang problema din silang kinakaharap ukol dito lalo na’t online isinasagawa ang pagpapataya sa sugal na ito.

 

 

Samantala, kasabay nito ay muli namang tiniyak ni Acorda na patuloy ang isinasagawang best effort ng pulisya sa pakikipag-ugnayan sa iba pang ahensya ng pamahalaan upang tuluyan nang matugunan at mapigilan ang paglaganap ng online sabong sa Pilipinas. (Daris Jose)

Other News
  • Valenzuela, nasungkit ang pangalawang Seal of Good Local Governance

    MULING nag-uwi ang Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela sa pamumuno ni Mayor WES Gatchalian ng pinakaaasam na Seal of Good Local Governance mula sa Department of the Interior and Local Government (DILG) sa ginanap na awarding ceremony sa Manila Hotel.       Ang Valenzuela ay isa sa 14 na Lungsod sa National Capital Region, at […]

  • Bagsak presyo ng bigas, mararamdaman sa Enero

      TINAYA ni Agriculture Secretary Francisco P. Tiu Laurel, Jr. na sa Enero ng susunod na taon pa mararamdman ng taumbayan ang bagsak presyo ng bigas sa bansa.     Ito ayon kay Laurel ay kahit na nagdesisyon ang pamahalaan na bawasan ang taripa sa importasyon ng bigas simula sa susunod na buwan ng Oktubre. […]

  • Doha napiling host ng 2030 Asian Games

    Napili ang Doha bilang host ng 2030 Asian Games.   Kinumpirma ito mismo ng Olympic Council of Asia (OCA) kung saan magiging host naman ang 2034 ang Riyadh.   Ayon kay OCA president Sheikh Ahmad Al-Fahad Al-Sabah, na isinagawa ang paggawad matapos ang board meeting ng OCA.   Naantala pa ng ilang oras ang nasabing […]