• December 4, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Eala keber maging mukha ng Philippine lawn tennis

WALANG kaba kay Women’s Tennis Association WTA) rookie Alexandra ‘Alex’ Eala ang na maging mukha ng sport sa ‘Pinas sa lalong madaling panahon o maging kasing sikat ni eight-division world champion Emmanuel ‘Manny’ Pacquiao sa men’s professional boxing.

 

 

“I don’t see it as pressure, honestly,” tugon ng 15-anyos, tubong Quezon City at PH lawn tennis sensation kay 2019 Southeast Asian Games gold medalist (men’s doubles) Francis Casey Alcantara sa Tennis Talk stream sa nagdaang Biyernes na napanood ng Opensa Depensa.

 

 

Idinagdag pa ng Globe ambassadress at Rafael Nadal Academy (RNA) scholar, na hindi niya kailangang maging perpekto sa bawat torneong nilalahukan sa kasalukuyan sa Europe at hindi rin niya iniisip na makarating palagi pataas na isa sa rason kaya mabuti ang nagiging mga laban bukod pa kawala niyang dapat na patunayan kaninuman.

 

 

Buhat sa WTA world No. 903 ranking, umakyat ng 140 pataas si Eala na ngayo’y nsa No. 763 makalipas ang lamang professional event na nilaruan sa taong ito, tampok ang kampeonato sa International Tennis Federation (ITF) W15 Manacor tournament first leg sa Spain noong Enero.

 

 

Nakatakdang talupan ng Pinay netter ang ikalawang sunod niyang ITF W25 Manacor pro tourney sa Spain sa linggong ito Miyerkoles, Marso 10 ng gabi.

 

 

Mula sa OD, good luck sa iyo Alex. (REC)

Other News
  • Outpatient Clinic ng Pandi District Hospital, bukas na

    LUNGSOD NG MALOLOS – Mas mabilis nang makakakuha ng serbisyong medikal ang mga Pandieño makaraang opisyal ng buksan ang Outpatient Clinic ng Pandi District Hospital noong Lunes sa Brgy. Bunsuran 1st, Pandi.     Samantala, sinabi rin ni Solante na base sa nakalap na datos sa “immunogenicity” ng ikalawang hene­rasyon ng COVID-19 vaccines na target […]

  • Sen. Win, Bistek laglag sa senatorial lineup ng Lacson-Sotto tandem

    NILILINIS na nina Senador Panfilo Lacson at Senate President Vicente Sotto III ang kanilang senatorial line up para sa darating na eleksyon.     Sa isang tweet sinabi ni Lacson na tanggal na sa line-up si Sen. Win Gatcha­lian at dating QC Mayor Herbert Bautista na may iba na umanong piniling suportahan na prinisipyo at […]

  • Nag-react agad nang mabasa ang tweets: OGIE, itinanggi na may ‘marital problems’ sila ni REGINE

    AGAD na nag-react ang singer-songwriter-tv host na si Ogie Alcasid nang mabasa ang tweets na may problema raw sila ng asawang si Asia’s Songbird Regine Velasquez.     Kaya tweet ni Ogie, “I have read some tweets about my wifey and I having marital problems. For the record, wifey and I are so much in […]