Eala naka-2 Grand Slam titles na
- Published on June 15, 2021
- by @peoplesbalita
Muling iwinagayway ni Alex Eala ang bandila ng Pilipinas sa world stage matapos masikwat ang girls’ doubles title sa prestihiyosong French Open na ginaganap sa Stade Roland Garros sa Paris, France.
Nakatuwang ni Eala si Russian partner Oksana Selekhmeteva kung saan matikas na pinataob ng dalawa sina Russian Maria Bondarenko at Hungarian Amarissa Kiara Toth, 6-0, 7-5 demolisyon sa finals.
Walang sinayang na sandali sina Eala at Selekhmeteva nang pulbusin nito sina Bondarenko at Toth sa first set.
Ito ang nagsilbing regalo ni Eala sa bansa sa ika-123 Independence Day ng Pilipinas.
“Sa lahat ng mga Pinoy na nanood, maraming salamat sa suporta. It’s actually the Independence Day today (in the Philippines) so I hope that I made my contribution to the country,” ani Eala.
Si Eala ang pinakamatagumpay na juniors player sa kasaysayan ng Pilipinas matapos makasungkit ng dalawang Grand Slam titles.
Una nang nakuha ni Eala ang kanyang first Grand Slam noong nakaraang taon matapos magreyna sa Australian Open juniors girls’ doubles kasama si Indonesian partner Priska Madelyn Nugroho.
-
Abalos, hinikayat ang mga employers at manggagawa na magpabakuna na laban sa Covid-19
HINIKAYAT ni Metropolitan Manila Development Authority chairperson Benhur Abalos ang lahat ng mga employers at mga manggagawa na magpabakuna na laban sa COVID-19 lalo pa’t marami ng tao ng pinapayagang bumalik ng kanilang trabaho. Sa Laging Handa public briefing, binigyang diin ni Abalos ang kahalagahan na masiguro na ang lahat ng mga empleyado ay […]
-
Dagdag na Kadiwa stores, makakatulong sa mga magsasaka
INIHAYAG ni Navotas Congresman Toby Tiangco na ang pagdadag ng mas maraming tindahan ng Kadiwa sa buong bansa ay makakatulong para lumaki ang kita ng mga magsasaka at magbibigay sa mga mamimili ng murang pagkain. Aniya, layunin ng Department of Agriculture (DA) na magtayo ng 71 pang Kadiwa sites sa pagtatapos ng taon, […]
-
Desisyon ni PBBM sa pagtaas ng 5% sa PhilHealth premium, ‘very soon’
VERY SOON! Ito ang naging tugon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. nang tanungin kung kailan siya magdedesisyon ukol sa pagpapatupad ng Philippine Health Insurance Corp.’s (PhilHealth) 5-percent premium rate increase. “It’s still under study but we’ll come to a conclusion very very soon,” ayon kay Pangulong Marcos sa media interview […]