Eala napasakamay ang unang korona sa professional tennis
- Published on January 26, 2021
- by @peoplesbalita
BUMUWELTA sa makupad na umpisa si Alexandra ‘Alex’ Eala upang tagpasin si Yvone Cavalle-Reimers, 5-7, 6-1, 6-2, at sorpresang kopoin ang korona ng International Tennis Federation (ITF) W15 Manacor Tournament sa Spain nitong Linggo ng gabi.
Ang pananalasa ng 15-anyos na Pinay tennis sensation ang nagkaloob sa kanya ng unang professional career title at $15,000 cash prize (P720K).
Bumalikwas ang Globe Ambassador at Rafael Nadal Academy scholar sa second set at pinagpatuloy ang bangis sa decider sa pagkumpletong pagsilat sa 28-anyos na Kastilang karibal.
Mas may edad at matataas din ang ranking na unang apat na mga karibal niyang tinagpas sa torneo. (REC)
-
Petecio, Paalam babandera sa Team Philippines
BABANDERAHIN nina Tokyo Olympics silver medalists Nesthy Petecio at Carlo Paalam bilang flag-bearers ang 16-member Philippine representation sa opening ceremony ng Paris Olympics bukas sa Seine River. “We’ll be a proud and hopeful 16-strong Team Philippines in the opening ceremony,” ani Philippine Olympic Committee president Abraham “Bambol” Tolentino. Makakasama nina […]
-
DOH, itinuturing na isang magandang development sakaling makamit ng mas maaga ang target na 70M fullly vaccinated individuals
KUMBINSIDO ang Department of Health (DOH) na makakamit ng bansa ang 70 million fully vaccinated individuals bago pa matapos ang unang quarter ng taon. Sa Laging Handa briefing, sinabi ni DOH Usec. Myrna Cabotaje na “as of January 29, 2022,” pumalo na sa 60 million ang nabigyan ng first dose at 58.6 million […]
-
‘Kusina Manileño’, iikot sa Maynila
Inilunsad ni Manila 3rd District Cong. John Marvin “Yul Servo” Nieto ang ‘Kusina Manileño na naglalayong maserbisyuhan ang mga residente ng Maynila sa simpleng pamamaraan. Ayon kay Nieto, ang mobile kusina na ‘Kusina Manileño’ ay nagsimula nang maglibot sa ilang barangay sa distrito 3 noong Huwebes upang mamahagi ng libreng pagkain. […]