Eala pa-wow sa US NCAA
- Published on April 5, 2021
- by @peoplesbalita
PATULOY ang pagkinang ni Michael Francis ‘Miko’ Eala para sa Pennsylvania State University men’s tennis team sa Big 10 Conference ng 2021 United States National Collegiate Athletic Association sa University Park Indoor Tennis Center sa nasabing estado.
Humataw ng kambal na panalo sa men’s singles at doubles ang 18 taong-gulang na Pinoy netter at kuya ni Women’s Tennis Association campaigner/professional player Alexandra ‘Alex’ Eala nitong Linggo, Marso 29 sa pagdemolis ng Nittany Lions sa University of Nebraska, 4-0.
Pinanood pa ang binata ng mga magulang at ni Alexandra na kakahampas lang sa Miami Open qualifying draw sa nakaraang linggo.
Iyon ang nagpainspirado sa kanya katambal si fellow PSU rookie Sam Bossem ng Britain nang hakbangan ang Huskers duo nina Albert Sprlak-Puk/Nic Wiedenhorn, 7-5, para sa fourth straight win ng dalawa sa gayung karaming matches bilang magkasangga.
Tinibag din ni Miko si Brandon Perez, 6-2, 6-4, para sa iakpitong panalo niya sa kabuuan ngayong taon at 4-0 win-loss mark ng paaralan sa balwarte at sinalya sa 0-10 ang NEB.
Wawaksan ng Nittany Lions ang tatlong asignatura sa teritoryo sa pagkompronta sa No. 16 Ohio State University sa Abril 4. (REC)
-
Pabilisin ang national ID system, mandato ni PDu30
MANDATO talaga ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pabilisin ang national ID system sa bansa. Nais kasi ng Pangulo na tuluyan nang mawala ang panloloko at pandaraya ng ilang tiwaling opisyal makapagbulsa lamang ng pera mula sa kaban ng bayan. “Dahil nakita natin na iyong pagdi-distribute ng ayuda ay hindi sana na-delay kung […]
-
6 Para athletes may tsansa sa unang Paralympic gold—Agustin
Kahit sino sa anim na national para athletes ay may pag-asang makamit ang kauna-unahang gold medal ng Pilipinas sa Paralympics sa Tokyo, Japan. Ito ang paniniwala ni Philippine Sports Commissioner Arnold Agustin kina swimmers Ernie Gawilan at Gary Bejino, taekwondo jin Allain Ganapin, wheelchair racer Jerrold Mangliwan, discus thrower Jeanette Aceveda at powerlifter […]
-
Busway, mananatiling operational sa gitna ng Edsa rehab
MANANATILING operational ang Epifanio de los Santos Avenue (EDSA) Busway habang isinasagawa ang rehabilitasyon ng mga daanan na magsisimula ngayong buwan. Tiniyak ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa mga mananakay na magpapatuloy ang pagtakbo ng bus carousel sa kabila ng ‘roadworks at pagkukumpuni. “Iyon pong bus carousel po natin, […]