• December 4, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Eala pasok sa 2nd round ng W15 Manacor Leg 2

Kahit mayroong anim na International Tennis Federation (ITF) women’s singles title ang kanyang kalaban ay hindi nasindak si Alex Eala.

 

 

Pinatalsik ng Pinay tennis sensation si No. 2 seed Mirjam Bjorklund ng Sweden, 6-4, 3-6, 6-3, sa se-cond leg ng W15 Manacor ITF Rafael Nadal Academy World Tennis Tour sa Mallorca, Spain.

 

 

Naisuko man ang se­cond set ay inangkin naman ni Eala ang third set para sibakin ang 22-anyos na si Bjorklund, ang ITF No. 250 at Women’s Tennis Association (WTA) No. 315 ranked player.

 

 

Ito ang ikalawang professional women’s singles tournament ng 15-anyos na si Eala, ang ITF No. 1670 at WTA No. 1190 ranked netter, ngayong taon.

 

 

Kamakailan ay nagreyna ang iskolar ng Rafa Tennis Academy sa first leg ng W15 Manacor makaraang hiyain ang 28-anyos na si World No. 409 Yvonne Cavalle-Reimers, 5-7, 6-1, 6-2, sa finals.

 

 

Naglalaro bilang isang Junior Reserve sa torneo, haharapin ni Eala si home bet Alba Carrillo Marin sa second round.

 

 

Kasalukuyang ITF World No. 56 ang 24-anyos na si Carrillo Marin na sinilat ni Eala, 6-1, 7-6, sa isang torneo noong Nobyembre ng 2020.

 

 

Dahil sa panalo kay Bjorklund ay kumpiyansa si Eala na tatalunin din niya si Carrillo Marin papasok sa quarterfinals ng torneo.

Other News
  • NAKA-MOTOR NA SNATCHER, TODAS

    TODAS ang isang umano’y snatcher na sakay ng motorsiklo matapos tamaan ng bala makaraang aksidenteng pumutok ang baril ng pulis na kanyang tinangkang agawin sa Malabon City, Huwebes ng gabi.   Kinilala ni Malabon police chief Col. Jessie Tamayao ang nasawing suspek na si John Paul Sanchez, 20 ng 175 Kaingin St. M. H. Del […]

  • VENUS, nakahanap ng fulfillment sa pagsisilbi sa Panginoon kesa maging aktibo sa showbiz;

    KAYA pala hindi masyadong nakikita si Venus Raj sa mga nakaraang pageant activities dahil abala ito sa pagtapos niya ng kurso sa OCCA The Oxford Centre for Christian Apologetics sa Oxford, England.     Sa kanyang Instagram account, pinost ng former Miss Universe Philippines 2010 ang pag-graduate niya sa OCCA.     “This journey at […]

  • Panukalang Bayanihan III, pag-iisahin sa TWG

    Binuo ng House Committee on Economic Affairs ang isang technical working group (TWG) para pag-isahin ang dalawang panukala na naglalayong madaliin ang pag-ahon ng ekonomiya ng Pilipinas sa gitna ng nararanasang pandemya.   Ang House Bill 8031 o ang “Bayanihan to Arise as One Act” at ang HB 8059 o ang “Bayanihan to Rebuild as […]