• December 7, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

ECQ SA NCR PALALAWIGIN O HINDI, MAAGA PANG PAG-USAPAN

SINABI ni Health Secretary Francisco Duque III  na masyado pang maaga para pag-usapan kung palalawigin o hindi ang Enhanced Community Quarantine (ECQ ) sa National Capital Region (NCR).

 

 

Sa isang panayam, binigyan diin ng kalihim ang kahalagahan ng pagsunod sa minimum health standards matapos na sumirit ang bagong kaso ng  mahigit 12,000 nitong nagdaang dalawang araw.

 

 

“Sa ngayon maaga pa para pag-usapan ‘yan ” pahayag ng kalihim na siya ring chair ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases o IATF, ang kinatawan ng gobyerno sa paggawa ng patakaran sa pagtugon sa COVID-19 pandemic.

 

 

Ang NCR ay inilagya sa ECQ mula August 6 at magtatapos ito sa August 20 dahil na rin sa banta ng pagsirit ng kaso ng Delta variant ng COVID-19.

 

 

Tanging ang mga essential o mga APOR lamang ang pinapayagang lumabas o mag-travel.

 

 

Samantala, nais ng Department of Trade and Industry (DTI) na ang NCR ay mailagay sa ilalim ng isang hindi gaanong mahigpit na uri ng quarantine kapag tapos na ang  dalawang linggong ECQ sa Agosto 20.

 

 

Ang hakbang ayon kay  Trade Sec.Ramon Lopez  ay mas maghanda ang gobyerno na balansehin ang ekonomiya  at kabuhayan sa mga panganib sa kalusugan na nagmumula sa pagdagsa ng mga kaso ng COVID-19 dahil sa banta ng mas nakahahawang variant ng Delta.

 

 

Kaugnay nito, nanawagan si Duque  sa local government units sa NCR na pagigtingin  ang kanilang vaccination campaigm upang maabot ang herd immunity sa lalong madaling panahon.

 

 

“Nananawagan ako sa LGUs na talagang paigtingin ang ating vaccination campaign at para mas mabilis maabot ang herd immunity, mas lalong mabigyan ng proteksiyon mga mamamayan ng NCR,” wika ni Duque.

 

 

Ibinahagi ng kalihim na mahigit 40% ng residente sa NCR  ang fully vaccinated ba laban sa COVID-19 base sa datos ngayon.

 

 

Sa kabilang banda, ang pigura sa buong bansa ay nasa 16%, ayon kay Duque

 

 

Kahapon ay muling nakapagtala ng mahigit sa 12 libong kaso o pinakamtaas na daily tally simula April 24.

 

 

Sa kabuuan nasa 1,700.363 na ang mga kaso ng COVID-19 sa bansa.

 

 

Ayon naman sa ulat ng OCTA Reasearch noong August 12, ang NCR ay nakapagtala ng  reproduction number na 1.76 . (GENE ADSUARA) 

Other News
  • Malakanyang, isinapubliko ang priority population groups

    ISINAPUBLIKO ng Malakanyang ang priority population groups para sa inihahandang pagbabakuna laban sa Covid -19 ngayong buwan.   In-adopt ng Interim National Immunization Technical Advisory Group (INITAG) ang mga sumusunod na priority population groups para sa gagawing pagbabakuna.   Ito ay ang mga sumusunod: A1: Frontline workers sa mga health facilities kapwa national and local, […]

  • No. 1 most wanted ng NCRPO timbog ng NPD

    Arestado ang isang tinaguriang No. 1 Most Wanted Person ng National Capital Region Police (NCRPO) sa ikinasang Oplan Pagtugis at Saliksik ng mga tauhan ng Northern Police District (NPD) sa Parañaque city.   Kinilala ni NPD Director PBGen. Eliseo Cruz ang naarestong suspek na si Ronnie Bolista, 37 at residente ng 2 Adelpa St. Tanza […]

  • Pinay futsal team bigo kontra sa Vietnam 6-1

    MULING nakalasap ng pagkatalo ang Philippine women’s national futsal team laban sa Vietnam sa score na 6-1 sa ASEAN Women’s Championship na ginaganap sa Philsport Arena sa lungsod ng Pasig.     Ito na ang pangalawang magkasunod na pagkatalo ng The Pinay na una ay sa Thailand.     Sa unang laro ng Pinay 5 […]