Edad 12-15 posibleng isama na sa bakuna
- Published on May 29, 2021
- by @peoplesbalita
Posibleng makasama ang mga kabataang may edad 12 hanggang 15 taong gulang sa ‘vaccine priority list’ makaraang sabihin ng Department of Health (DOH) na kanilang pinag-aaralan na ito.
Sinabi ni DOH Vaccine Expert Panel head Dr. Nina Gloriani na pinag-uusapan na sa National Immunization Technical Advisory Group (NITAG) kung paano sila magkakaroon ng rekomendasyon.
Nabatid na nag-aplay na ang Pfizer sa Food and Drug Administration (FDA) ng amendment sa kanilang ‘emergency use authorization (EUA)’ na makasama ang mga batang may edad 12-15 taong gulang sa maaaring mabigyan ng kanilang bakuna. Nakatakdang maglabas ng desisyon ang FDA ngayong linggo sa aplikasyon ng Pfizer.
Sa ngayon, kung ang isang bata na kasama sa naturang ‘age-group’ ay may comorbidity, pinag-aaralan kung maaari silang maisama sa A3 priority group.
Lumabas ang rekomendasyon na isama na ang mga bata na may naturang edad sa mga mababakunahan makaraan na isagawa na ito ng Estados Unidos at Canada.
Sinabi naman ni Health Secretary Francisco Duque III na hindi pa naisasama ang mga kabataan sa vaccination program dulot na rin ng patuloy na kakapusan sa suplay ng bakuna. (Daris Jose)
-
Kinumpirma ng anak na si Arabella: RICKY, pumanaw sa edad na 63 dahil sa cancer
PUMANAW na ang mahusay na actor-director na si Ricky Davao sa edad na 63 noong nakaraang May 1. Kinumpirma nga ito ng anak na si Arabella Davao sa social media posts nito… “It is with great sadness that we announce the passing of our beloved father, Ricky Davao. He passed away peacefully, surrounded by his […]
-
Sikat na online seller na si MADAM INUTZ, certified recording artist na; trending ang music video ng ‘Inutil’
ISA na ngang ganap na recording artist ang social media sensation na si Daisy Lopez a.k.a. Madam Inutz dahil ini-release na ang kanyang debut single na “Inutil” na nilikha ni Ryan Soto. Ang kilalang social media influencer, former Mr. Gay World titlist, businessman at philanthropist na si Wilbert Tolentino ang nagsilbing tulay at […]
-
Floating solar project ng Australian firm, makalilikha ng trabaho at mas malinis na industriya-PBBM
MAKALILIKHA ng trabaho para sa mga Filipino ang floating solar project ng Australian firm sa Pilipinas. Sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na nakapulong nya ang mga opisyal ng Macquarie Group ukol sa bagay na ito. “With Macquarie Group’s 1.3 GW floating solar project in Laguna Lake, we’re creating sustainable jobs […]