• April 20, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

EDSA bus rides tuloy hanggang December

NAGLABAS  ang Department of Budget and Management (DBM) ng P1.4 billion upang gamitin sa pinahabang libreng sakay sa EDSA Carousel hanggang December tamang-tama sa pagbubukas ng face-to-face na klase sa mga paraaralan

 

 

Inaprobahan ni Budget chief Amenah Pangandaman ang pag release ng pondo para sa programa ng Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na nakalaan para sa libreng sakay.

 

 

“The allocation would support the implementation of the government’s service contracting program, which provides free rides for commuters along the Edsa busway,” wika ni Pangandaman.

 

 

Sa unang araw pa lamang ni President Marcos sa kanyang panunungkulan ay binigyan niya ng authorization na palawakin ang programa sa libreng sakay hanggang katapusan ng 2022 na dapat sana ay natapos noong nakaraang July 2022.

 

 

Sinabi ni Pangandaman na ang programa sa libreng sakay ay malaki ang maitutulong para sa mobility ng mga mag-aaral at mga commuting labor force sa bansa.

 

 

Inaasahan na may 27 million na mga mag-aaral ang babalik sa mga paaralan ngayon pagbubukas ng face-to-face na klase. Samantalang, inaasahan naman na mabibigyan ng benipisyo ang mahigit sa kumulang na 50 million na pasahero mula Sept.1 hanggang Dec.31.

 

 

Matutulungan din ng programa ang may mahigit na 600 bus drivers at operators na may operasyon sa EDSA Carousel route.

 

 

“This will be a big help for bus drivers who until now are still recovering from the pandemic and are affected by the surging cost of fuel products,” dagdag ni Pangandaman.

 

 

Ang programa sa service contracting ay isang paraan kung saan magbibigay ito ng financial support sa mga bus drivers at operators sa pamamagitan ng performance-based payouts.

 

 

Natuwa naman ang LTFRB sa pangunguna ni chairman Cheloy Garafil sa ginawang pagbibigay ng karagdagang pondo ng DBM para sa programang libreng sakay na pamahalaan.

 

 

Ayon kay Garafil, ang LTFRB ay may dalawang linggo lamang na arrears sa kanilang bayad para sa nasabing programa. Sinabi rin ni Garafil na kanilang nabigyan na ng karampatang kasagutan ang mga concerns at issues ng mga bus consortium sa late payments para sa kanilang serbisyo.

 

 

May humigit ng P400 million na ang naibayad ng LTFRB sa mga bus operators hanggang noong mga unang araw ng August.

 

 

“We are just two weeks delay in our payments. We cannot pay on time because of the documentary requirements and verification prior to the payment,” saad ni Garafil.

 

 

Dagdag pa ni Garafil na ang pamahalaan ay may dalawang buwan pa na arrears sa ES Transport Consortium at Mega Manila Consortium. May plano ang pamahalaan na dagdagan pa ang operator sa EDSA Carousel upang madagdagan ang mga buses na magbibigay ng libreng sakay sa panahon ng pagbubukas ng face-to-face na klase.  LASACMAR

Other News
  • Pacquiao No. 3 sa Top 10 Richest Boxer

    Muling napasama si Manny Pacquiao sa lista­han ng pinakama­ya­yamang boksingero sa mundo.     Retirado na si Pacquiao sa boxing at nakasentro ang atensiyon nito sa buhay pulitika sa kasalukuyan.     Matatandaang bilyon ang kinita ng eigth-division world champion sa mahigit dalawang dekadang karera nito sa boxing.     Kaya naman sumampa ang Pinoy […]

  • LTFRB pinagbigyan ang ilang hiling ng PISTON

    PUMAYAG ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa ilang mga hiling ng tranport group na PISTON.     Umabot sa dalawang oras ang ginawang pulong nina PISTON president Mody Floranda at sina LTFRB Chairman Teofilo Guadiz, LTFRB spokesperson Celine Pialago.     Matapos ang pulong ay binawasan ang ilang mga requirements sa consolidation. […]

  • Ads March 22, 2023