EDSA busway di na tatanggalin
- Published on February 14, 2025
- by Peoples Balita
NAGPAHAYAG na ang Department of Transportation (DOTr) na hindi tatanggalin ang EDSA busway kung kaya’t nakahinga ang mga pasahero na tumatangkilik at sumasakay sa EDSA Carousel.
Tinatayang may mahigit sa 20,000 na pasahero ang sumasakay sa EDSA Carousel na dumadaan sa EDSA busway ang natuwa ng sinabi ng DOTr na final na ang kanilang desisyon na hindi ito aalisin.
“The exclusive bus lane in EDSA would be retained, as endorsed by President Marcos,” wika ni DOTr Secretary Jaime Bautista.
Kamakailan lamang ay nakipag-usap si Bautista kay President Marcos kasama ang mga Cabinet members kung saan pinag-usapan ang tungkol sa traffic management sa kalakhang Maynila. Doon ay napagkasunduan na panatilihin ang busway subalit kailangan pagandahin ang mga pasilidad at serbisyo nito.
“We are not removing the EDSA busway. That was raised as part of the discussion, but it would be kept as is with enhanced facilities and services,” dagdag ni Bautista.
Ayon kay Bautista ang busway ay hindi katulad ng binibigay na serbisyo ng MRT 3 dahil ito ay dumadaan mula North Avenue hanggang Taft Avenue lamang habang ang busway naman ay may operasyon mula sa Monumento hanggang Paranaque Integrated Terminal Exchange (PITX).
Sa ngayon, ang DOTr ay nakikipag-ugnayan sa pribadong sektor upang magkaroon ang busway ng mga pasilidad para maging mas maganda ang operasyon at pagmimintina nito.
Gumagawa na rin sa ngayon ang DOTr ng terms of reference (TOR) para sa concession ng busway na naglalayon na maibigay ang nasabing inprakstura sa pribadong sektor sa taong 2026.
“Our feasibility study will be completed within the next few months, and we are expecting that we will be able to award the operations and maintenance of the busway by the end of 2026,” saad ni Bautista.
Dati pang sinabi ni Bautista na maraming kumpanya ang nagparating ng kanilang intensyon sa DOTr na gusto nilang makilahok sa kontrata para sa operasyon at pagmimintina ng nasabing busway. Kung sino man ang mananalo sa kontrata, ang kumpanya ay kailangan gumagawa ng mga aksyon na magkaron ng upgrading ang busway na may international na kalidad.
Sa ngayon, ang EDSA busway ay ginagamit ng carousel buses na may operasyon mula Monumento sa Caloocan hanggang PITX. Ginagamit din ito ng mga airport buses at point-to-point units.
May naitalang 63 million na mga pasahero ang gumamit ng serbisyo nito noong nakaraang taon at sa kasalukuyan ay may 177,000 na mga Filipinos ang nabigyan ng serbisyo nito.
Kamakailan lamang ay naglabas ng isang pahayag ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na tatangalin ang busway upang bigyan daan ang paglalagay ng isang lane para sa mga pribadong sasakyan matapos ang gagawing rehabilitation ng EDSA. LASACMAR
-
Kahit may banta pa ng Covid-19: Wala na tayong gagawing lockdown-PBBM
WALANG balak si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magpatupad pa ng lockdown sa bansa sa kabila nang nananatili pa rin ang banta ng COVID-19 lalo’t may mga nadidiskubreng bagong variants ng coronavirus. Sinabi ni Pangulong Marcos sa kanyang unang State of the Nation Address (SONA) sa Batasang Pambansa Complex sa Quezon City, araw […]
-
Base sa pahayag ng isang Infectious Disease expert: COVID 19, nagiging endemic na
SINABI ni Infectious Disease Expert Dr. Edsel Salvana na nagiging endemic na ang COVID 19 at ang sirkulasyon nito ay maihahalintulad sa sipon na hindi na tuluyang mawawala pa. Inamin ni Salvana sa Laging Handa public briefing na hindi na sila masyadong nakatutok pa sa bilang ng mga naitatalang kaso ng covid 19 […]
-
$20M bare-knuckle boxing match ‘di kinagat ni Tyson
Hindi pinatulan ni dating undisputed heavyweight champion Mike Tyson ang offer na $20 million upang lumaban sa bare-knuckle boxing match ngayong taon. Matatandaang ibinida ni Tyson na gusto nitong muling lumaban sa boksing sa isang exhibition match sa edad na 54 na ikinatuwa ng boxing fans. Dahil dito, agad na inoperan ni BKFC […]