• May 18, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

EDSA mabilis pa rin ang daloy ng trapiko

Kahit na dumami ang bilang ng mga sasakyan sa EDSA tulad ng bago pa ang pandemya, ang daloy ng trapiko dito ay naging mabilis pa rin.

 

 

Sa isang panaham kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Benjamin Abalos kanyang sinabi na kahit na madami na ngayon ang bilang ng mga sasakyan naging mabilis pa rin naman ang usad ng trapiko sa nasabing pangunahing lansangan.

 

 

“While the volume of cars has increased, they are now moving faster compared to the flow of traffic before the pandemic hit the country. In terms of speed, the vehicles are faster, compared before. The cars are now at 24 kilometers per hour, while before, it can run at 11 kilometers per hour,” wika ni Abalos.

 

 

Inaasahan pa rin ng MMDA na dadami pa ang sasakyan subalit magiging mabilis pa rin ang daloy ng mga sasakyan ngayon.

 

 

Sa ngayon, ang bilang ng mga sasakyan na dumadaan sa EDSA ay 400,000 na halos ay makukumpara ng bago pa ang pandemya.

 

 

Gumaganda na ang daloy ng trapiko dahil na rin sa mga marami ng mga tulay at mga daanan at lansangan ang nagawa na kung saan ito ay nakatulong upang mabawasan ang pagsisikip ng trapiko hindi lamang sa EDSA kung hindi sa iba pang pangunahing lansangan sa Metro Manila.

 

 

“EDSA has a capacity of 300,000 cars. We had 405,000 before the pandemic. We are approaching this figure. But there are other roads and bridges being built,” dagdag ni Abalos.

 

 

Isa na rito ang ang pagbubukas ng Skyway 3 na nakabawas ng travel time sa pagitan ng Makati at Northern Manila ng 20 minuto na lamang at ang Alabang papuntang NLEX ay magaging 30 minuto naman.

 

 

Inaasahang magiging alternatibong ruta ang Skyway 3 para sa EDSA para sa mga motorista na nagbibiyahe sa pagitan ng mga lungsod sa Metro Manila na makakatulong upang mabawasan ang pagsisikip ng trapiko sa mga pangunahing daanan sa Metro Manila.

 

 

Ang pagbubukas din ng 1.37-kilometer na Kalayaan Bridge o ang tinatawag na Bonfication Global City-Ortigas Center Link Road Project na nagdudugtong sa Bonifacio Global City at Pasig ay nakatulong din sa magaan na daloy ng trapiko.

 

 

Ito ay inaasahang magiging isa ring alternatibong ruta sa mga sasakyan na maglalakbay sa pagitan ng mga lungsod ng Pasig, Makati, at Taguig.

 

 

Magiging 12 minuto na lamang ang travel time mula BCG papuntang Pasig, Mandaluyong, at Makati. (LASACMAR)

Other News
  • Pinoy, sugatan sa drone attack sa paliparan sa Saudi Arabia – Embassy

    KABILANG ang isang Pinoy sa mga nasugatan sa drone attack sa Abha airport sa Saudi Arabia na nangyari noong araw ng Huwebes, Pebrero 10     Ito ang kinumpirma ng embahada ng Pilipinas sa Saudi Arabia ngayong araw subalit hindi na tinukoy pa ang pagkakakilanlan ng naturang Pinoy na ngayon ay nasa stable na ang […]

  • 16 milyong bakuna darating ngayong Hulyo

    May 16 milyong dose ng COVID-19 vaccine ang matatanggap ng Pilipinas ngayong buwan, ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles.     Habang sa Agosto naman makakatanggap ang bansa ng 14 milyong dose ng bakuna.     Sa Hulyo 14, mas marami pang doses ng Sinovac ang darating na gagamitin sa mga priority areas kabilang dito […]

  • Ads January 24, 2020