• March 22, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

EDSA rehab, ‘di dapat maging pahirap sa publiko

“’DI dapat maging pahirap sa publiko”, ito ang tugon ni Atty. Mitchell-David L. Espiritu, tagapagsalita ng TRABAHO tungkol sa usapin ng EDSA rehabilitation project na nakatakdang magsimula sa Marso 24.

Bilang tugon sa inaasahang araw-araw na abala at pahirap sa milyun-milyong manggagawang Pilipino, naghain ng mungkahi ang TRABAHO Partylist na makakatulong sa mga komyuter, lalo na sa mga manggagawa tulad ng remote work at mga angkop na flexible work arrangements.

Sa mga sektor naman na hindi feasible ang remote work, maaaring magdulot ng kaginhawahan ang pagbabago ng oras ng opisina o shift.

Nanawagan din si Atty. Espiritu para sa mas mataas na transportation allowances at subsidies upang pansamantalang makatulong sa mga manggagawa na makahanap ng alternatibong ruta, bagama’t maaring maging mahal.

Para sa mas sustainable at cost-effective na solusyon, isinusulong ang pagpapalaganap ng carpooling at shared transportation systems.

Hinihikayat din nila ang mga lokal na pamahalaan na magbigay ng suporta sa mga inisyatibong ito sa pamamagitan ng pagtalaga ng mga carpool lanes o pagbibigay ng mga insentibo sa mga kalahok sa carpooling.

Other News
  • Ateneo paghahandaan ang NU

    WALANG makatibag sa defending champion Ate­neo na solo na ang liderato sa UAAP Season 84 men’s basketball tournament.     Maging ang mortal ni­lang karibal na La Salle ay walang naisagot sa ma­­la­kas na puwersa ng Blue Eagles sa kanilang pag­ha­harap noong Sabado sa Mall of Asia Arena.     Inilampaso ng Ateneo ang La […]

  • “1win Официальный Сайт Букмекера 1вин Ставки в Спорт И Онлайн-казин

    “1win Официальный Сайт Букмекера 1вин Ставки в Спорт И Онлайн-казино 1win 1вин Букмекерская Контора Ставки На Спорт Онлайн В Бк 1win Букмекерская Контора 1win Ставки Онлайн Официальный Сайт 1win Все События%3A Live Линия Бонусы же Высокие Коэффициенты Ставки На Спорт ото Бк 1win Content In Казино об Букмекере Промокоды И Бонусы Casino X In Официальный […]

  • PSC: PAGPILI NG ATLETANG PINOY, SASALANG SA KOMITE

    BINUO ang Review Committee para mangasiwa sa pagpili ng Philippine Sports Hall of Fame member ngayong taon.   Ayon kay Philippine Sports Commission (PSC) chairman William “Butch” Ramirez, malaki ang tulong na naibibigay ng mga sports media practitioners sa gagawing selection process.   “It is for this reason that the PSC, for the longest time, […]