• February 9, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

EDSA Shrine at 2 simbahan pa kinilala na bilang national shrine ng CBCP

NAIANGAT  bilang national srhine ang status ng tatlong Simbahang Katolika sa bansa.

Pinangunahan ito ng Archdiocesan Shrine of Mary, Queen of Peace o kilala bilang EDSA Shrine , Archdiocesan Shrine of Our Lady of Loreto at Diocesan Shrine of Our Lady of Aranzazu.

Isinagawa ang pag-angat ng estado ng nasabing mga simbahan matapos ang 129th plenary assembly ng Catholic Bishop’s Conference of the Philippines na dinaluhan ng mahigit 70 Obispo sa Sta. Rosa, Laguna.

Ang EDSA Shrine at Archdiocesan Shrine of Our Lady of Loreto ay nasa ilalim ng Archdiocese ng Manila habang ang Diocesan Shrine of Our Lady of Aranzazu ay sa ilalim ng Diocese of Antipolo.

 

Itinayo ang EDSA Shrine noong 1989 bilang pag-alala sa Pebrero 25, 1986 people power revolution.

Ito rin ang lugar na isinagawa ang 2001 rally na nagresulta sa pagpapatalsik kay dating Pangulong Joseph Estrada.

Ang Loreto Church sa Sampaloc District ay makikita doon ang centuries-old na imahe ng Virgin Mary bilang Our Lady of Loreto ito rin ang tanging simbahan sa bansa na inialay sa mga Marian ang titulo.

Habang ang Aranzazu Shrine sa San Mateo, Rizal ay may mayamang kasaysayan na noong 1596 ay unang nanirahan ang mga Augustinian friars.

Ayon pa sa CBPCP an ang pagdeklara na maging national shrine ang isang simbahan at ito ay maituturing na sagradong lugar na kinikilala ng Simbahang Katolika dahil sa pagiging makasaysayan, spiritual at mayroong cultural significance.

Kadalasan ito ay kinikilala dahil sa pagkakaroon ng sikat na debosyon, mayroong mahalagang religious events, miracles o apparitions.

Other News
  • Bulacan, ginunita ang ika-123 Anibersaryo ng Republikang Pilipino

    LUNGSOD NG MALOLOS – Sa pagdiriwang ng isa sa mga pinaka kilalang kaganapan sa Lalawigan ng Bulacan, pinangunahan ni Gob. Daniel R. Fernando ang isang payak na programa sa paggunita ng ika-123 Anibersaryo ng Araw ng Unang Republikang Pilipino na ginanap sa makasaysayang Simbahan ng Barasoain dito kaninang umaga.     May temang “Unang Republikang […]

  • Valenzuela LGU, pinasinayaan ang bagong gusali ng PLV-CPAG

    BILANG bahagi ng pagdiriwang ng ika-401st Founding Anniversary ng Valenzuela City, pinasinayaan ng Pamahalaang Lungsod sa pamumuno ni Mayor WES Gatchalian ang bagong gusali ng sa Pamantasan ng Lungsod ng Valenzuela (PLV)-College of Public Administration and Governance (CPAG).     Ang makabagong gusali ng CPAG ay matatagpuan sa dating pangunahing gusali ng PLV, na may […]

  • LALAKI, NAIPIT NG SASAKYAN HABANG NAGKAKABIT NG GPS

    NASAWI ang isang 32-anyos na lalaki nang naipit ng isang tractor head nang paandarin ng driver nito  habang nagkakabit  ng GPS sa likuran ng kasunurang tractor head sa Port Arae, Manila Huwebes ng umaga.     Naisugod pa sa Philippine General Hospital ang biktimang si Jay Mark Kee ng 118 Unit 8 Gen Tinio St. […]