• March 19, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Education aid payout, generally smooth

“GENERALLY smooth” ang ginawang distribusyon ng educational assistance sa mga estudyanteng benepisaryo sa  Department of Social Welfare and Development-designated payout centers na nagpatuloy, araw ng Sabado, Agosto 27 maliban lamang sa mga “isolated hitches” o hadlang sa ilang lugar sa bansa.

 

 

Sinabi ni DSWD spokesperson Assistant Secretary Rommel Lopez na “generally smooth” ang  nationwide distribution ng educational aid.

 

 

Nauna rito, sinabi ni  DSWD Secretary Erwin Tulfo na ang cash distribution ay tatapusin sa loob ng anim na Sabado na nagsimula na noong Agosto 20 at magtatapos sa Setyembre 24.

 

 

“However, there were some hitches in the process on the second Saturday of the payout,” ayon kay Lopez.

 

 

Dahil sa pagdagsa ng tao na karamihan ay walk-ins — sa  Boac, Marinduque ay nagdesisyon ang DSWD, Philippine National Police (PNP), at local government unit (LGU) na kanselahin ang payout.

 

 

“Gayunpaman, ito ay tinitingnan ng DSWD Central Office na mga isolated places lang naman po, kasi, overall po sa bansa ay maayos po ‘yung pamamahagi ng educational payout na nangyare. So tinitingnan po natin ‘yung mga isolated situation in some places, pero sinisiguro po ng DSWD na aayusin din po natin ‘yung sistema dito po sa mga apektadong lugar,” ayon pa rin kay  Lopez.

 

 

At dahil sa pagkalito at mahabang pila noong nakaraang Agosto  20 -ang unang anim na Sabado na itinakda para sa  payout — nagpasaklolo na ang DSWD Department of the Interior and Local Government (DILG) na mag- request sa LGUs para sa technical assistance. (Daris Jose)

Other News
  • Ayaw nang itago kaya ipinagsigawan na… KLEA, matapang na inamin na gay at may rainbow heart

    NAG-OUT na nga ang Kapuso star at StarStruck 6 winner na si Klea Pineda.     Sa kanyang Instagram sa mismong kaarawan niya (March 19), proud na in-announce ng AraBella star na miyembro siya ng LGBTQIA+ community.     Ayaw na raw itago ni Klea kung ano talaga siya at ipagsisigawan pa raw niya ito. […]

  • KC, puring-puri ng netizens sa ginawang pagsorpresa kay SHARON; lumipad mula Palawan papuntang Amanpulo

    IKINATUWA ng netizens ang IG post ni Megastar Sharon Cuneta na kung saan ang sarap nang pagkakayakap niya sa anak na si KC Concepcion na sinorpresa ang kanyang kaarawan.   Post ni Mega, “KC flew back to Manila from Palawan with our dear friend Tim Yap today to take another flight to the island where […]

  • Babala ni VP Sara, 200 OVP personnel maaaring mawalan ng trabaho dahil sa budget cut

    NAGBABALA si Vice President Sara Duterte na posibleng mawalan ng trabaho ang 200 empleyado mula sa Office of the Vice President (OVP) sa gitna ng kapos na alokasyon para sa taong 2025. Sinasabing P733-million na panggastos lamang para sa Office of the Vice President (OVP) ang inaprubahan ng mga senador sa loob lamang ng 10 […]