Educational assistance sa HS students, binigay ni Cong. Tiangco
- Published on March 6, 2020
- by @peoplesbalita
NAMAHAGI si Congressman John Reynald Tiangco kahapon (Huwebes) ng educational assistance para sa mga junior high school students sa Navotas.
Nasa 1,100 mga estudyante mula sa mga pampublikong high school sa lungsod ang tatanggap ng P5,000 para sa school year 2019-2020.
Pinaalalahanan ni Tiangco ang mga magulang na siguruhing sa pag-aaral ng kanilang mga anak mapupunta ang perang kanilang natanggap.
“Mahirap ang buhay; madaling gastusin ang P5,000 sa loob lang ng isang araw. Kaya kailangang siguruhin natin na gagamitin lang ang perang natanggap para sa edukasyon ng ating mga anak,” aniya.
Pinaalalahanan din ng bagitong mambabatas ang mga estudyante na ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral at pagsikapang makapagtapos.
“Ako at ang inyong mga magulang ay may parehong pangarap para sa inyo—na makamit ninyo ang inyong diploma at magkaroon kayo ng oportunidad na makagawa ng magandang kinabukasan para sa inyong sarili,” aniya.
Dagdag ni Tiangco, kung nais nila na mag-aral sa kolehiyo, maaari silang mag-enroll nang libre sa Navotas Polytechnic College.
Sa kabilang banda, ang mga gusto namang magkaroon ng technical-vocational skills ay maaaring mag-aral nang libre sa Navotas Vocational Training and Assessment Institute. (Richard Mesa)
-
VP Sara, kinilala ang ‘institutional support’ ni Leni Robredo sa OVP
KINILALA ni Vice President Sara Duterte ang “institutional support” ni dating Vice President Leni Robredo, para sa Office of the Vice President (OVP). Sa katunayan, pinapahalagahan ni Duterte ang kontribusyon ni Robredo sa “Pasidungog,” isang OVP thanksgiving event para sa mga partners nito na ang papel at gampanin ay “significant impact in expanding […]
-
TAGUIG, UNANG SIYUDAD SA NCR NA MAY LISENSYADONG HEALTH CENTERS BILANG PRIMARY CARE FACILITIES
NAUNA ang dalawang Health Centers sa Lungsod ng Taguig ang nabigyan ng license to operate bilang Primary Care Facilities (PCF) ng Department of Health (DOH). Ang Calzada Health Center at Hagonoy Health Center ay may licensed to operate hanggang December 31, 2024 alinsunod sa Administrative Order No. 2020-0047 na sumasakop sa lahat ng […]
-
DUTERTE: TALAMAK PA RIN ANG KORUPSYON SA DPWH
MISMONG si Pangulong Rodrigo Duterte na ang nagsabi na talamak pa rin ang korupsyon sa Department of Public Works and Highways (DPWH). Ginawa ni Pangulong Duterte ang pahayag sa kanyang public address kagabi matapos ang meeting sa Inter-Agency Task Force for the Management of the Emerging Infectious Diseases (IATF). Sinabi ni Pangulong Duterte, […]