Edukasyon, kalusugan ng katutubong Pinoy tututukan
- Published on March 6, 2025
- by Peoples Balita
TINIYAK ng Pinoy Ako Partylist na isusulong ang karapatan ng mga “indigenous people”.
Ayon sa Pinoy Ako Partylist, mayorya ng mga naninirahan sa Cordillera Region na pawang Indigenous Filipinos ay maaaring makaranas ng diskriminasyon dahil sa hindi patas na edukasyon.
May ilang katutubo rin ang napipilitan na lamang na hindi na ipaglaban ang kanilang karapatan dahil sa hamon sa mga buhay partikular ang kahirapan.
Layunin ng Pinoy Ako Party-List na magkaroon ng P600 milyon na pondo para sa mga proyektong isusulong sa Pampanga upang matulungan ang Indigenous peoples sa kanilang ancestral domain na tinatayang may lawak na 6,800 hectares. Nakapagsagawa din ang naturang grupo ng medical missions sa malalayong indigenous communities sa Mindanao at sa Buscalan para masigurong natutugunan ang kanilang pangangailangan sa kalusugan.
Nais din ng Pinoy Ako Party-List na magkaroon ng bangko na para sa mga Indigenous Filipinos para mahikayat silang makapag-impok at maturuan sa pananalapi. Gayundin ang pagkakaroon ng Native Filipino University na mag-aalok ng oportunidad sa mga kabataang katutubo para sa higher education.
-
Malakanyang, nakiramay sa pagpanaw ng beteranong broadcaster at dating press secretary na si Dong Puno
NAGPAABOT ng pakikidalamhati at pakikiramay ang Malakanyang sa pamilya, kaibigan, at kasamahan sa trabaho ni dating Press Secretary Ricardo “Dong” Puno, Jr., na pumanaw, February 15, sa edad na 76. “A lawyer by profession, Sec. Puno was a respected member of the media prior to and after serving under the administration of former […]
-
Millennials, pinakamalungkot na henerasyon – survey
LUMABAS sa pag-aaral na ang mga millennial ang “loneliest generation”. Batay ito sa London-based international research data at analytics group.Lumabas sa isinagawang survey ng University of Pennsylvania sa 1,254 US adults, na 30 porsiyento ng mga millennial ang madalas na makaramdam ng kalungkutan o pakiramdam na nag-iisa kumpara sa mga “Generation X” na 20% […]
-
PDu30, umaasa na mananatili ang alyansa ng Pinas at US sa pagkakaroon ng bagong US Ambassador to the Philippines
UMAASA si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na mananatili ang alyansa ng Pilipinas sa Estados Unidos matapos na magtalaga ng bagong US ambassador. Ang pahayag na ito ni Pangulong Duterte ay matapos niyang pasalamatan si outgoing US Ambassador to the Philippines Sung Kim para sa naging kontribusyon nito sa pagpapalakas ng alyansa sa pagitan ng […]