• March 19, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

EJ Obiena excited ng maging flag bearer sa SEA Games

LUBOS  ang kasabikan ni Filipino Pole Vaulter EJ Obiena sa pagiging flag bearer ng bansa sa pagsisimula ngayong araw ng 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam.

 

 

Dumating ang 26-anyos na si Obiena isang araw bago ang formal opening ceremony na gaganapin sa My Dinh National Stadium.

 

 

Napili kasi ang world sixth best pole vaulter na maging flag bearer kasama si Filipina weightlifter Hidilyn Diaz na maging flag bearer ng bansa.

 

 

Subalit nagpasya si Diaz na ipaubaya na lamang kay Obiena ang pagiging flag bearer.

 

 

Magugunitang hindi natuloy ang pagiging flag bearer ni Obiena sa Tokyo Olympics noong nakaraang taon matapos na hindi umabot sa itinakdang panuntuna ng organizers na dapat sa loob ng 48 oras ay nasa Tokyo na ito.

 

 

Magaganap ang SEA Games mula Mayo 12 hanggang 23 sa 11 iba’t ibang lugar sa Vietnam.

Other News
  • Ads December 28, 2024

  • Kelot, kalaboso sa bakal sa Caloocan

    SHOOT sa kulungan ang isang lalaki matapos inguso sa pulisya na may bitbit na bakal habang gumagala sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw. Mahaharap ang suspek na si alyas “Dagul”, 25, sa kasong paglabag sa R.A. 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) at B.P. 881 (Omnibus Election Code of the Philippines). Sa ulat, nakatanggap […]

  • National Chess Federation iaapela ang pag-disqualified sa kanila sa 2021 FIDE Online Olympiad

    Iaapela ng National Chess Federation of the Philippines (NCFP) ang pag-disqualified ng bansa sa 2021 FIDE Online Olympiad dahil umano sa paglabag sa patakaran ng laro.     Kasunod ito sa pagkakadiskubre na isang manlalaro nito ang lumabag sa fair play kaya buong koponan ay na-disqualified.     Nasa pangalawang overall kasi ang Pilipinas sa […]