• December 7, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

EJ Obiena nag-2nd place sa pole vault tourney sa Poland

Pumuwesto sa second place sa pole vault ang Pinoy Olympian na si EJ Obiena sa ginanap na Kamila Skolimowska Memorial 2021 sa bansang Poland.

 

 

Ito ay makaraang malagpasan at matalon ni Obiena ang taas na 5.80 meters.

 

 

Sumabak si Obiena sa naturang kompetisyon ilang araw bago naman ganapin ang Wanda Diamond League Final na isasagawa sa Zurich sa Germany.

 

 

Nanguna sa kompetisyon si Christopher Nilsen ng Amerika na nagawang matalon ang 5.86 meters.

 

 

Ang isa pang US athlete na si KC Lightfoot ay napantayan naman ang nagawa ni EJ.

 

 

Umabot din sa 10 mga bigating pole vaulters ang sumali pero ang reigning world at Olympic champion na si Armand Duplantis ng Sweden ay hindi nakibahagi sa kompetisyon.

Other News
  • CAMPAIGN POSTER PAPAYAGAN SA PRIBADONG LUGAR

    PAHIHINTULUTAN ng Commission on Elections (Comelec) ang mga ilegal na campaign posters na manatili sa mga pribadong pag-aari, ngunit ang mga may-ari ay kailangang harapin ang kaso para sa election offense.     Ito ang paliwanag ng Comelec sa gitna ng reklamo mula sa kampo ng mga kandidato at kanilang supporters kaugnay sa Oplan Baklas. […]

  • Ads June 29, 2024

  • DICT: Unregistered SIM cards, tatanggalan ng access sa socmed

    IKINOKONSIDERA ng Department of Information Communications Technology (DICT) ang unti-unti nang pag-disable ng mga featured services ng mga SIM cards, na hindi pa rin irerehistro ng mga may-ari nito, sa loob ng 90-day extension na ipinatupad ng pamahalaan sa SIM card registration.     Sa isang press briefing sa MalacaƱang, sinabi ni DICT Secretary Ivan […]