• March 19, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

EJ Obiena nagkamit ng gintong medalya sa torneo sa France

NANGIBABAW si Pinoy pole vaulter EJ Obiena sa Metz Moselle Athletor sa France.

Ito ang unang gold medal na nakuha ni Obiena sa pagpasok ng 2025.

Ang nasabing panalo ay isang linggo matapos na magkamit ito ng silver medal sa Jump Meeting Cottbus 2025 sa Germany.

Nakuha ni Obiena ang 5.70 meters clearance laban sa pitong iba.

Sinubukan ng World number 4 ang 5.85meters jump subalit hindi ito nagtagumpay sa lahat ng attempts.

Ang kaniyang 5.70 meters ay maituturing niyang na season-best para makamit ang unang gintong medalya ng taon.

Nagtabla rin ang Dutch pole vaulter na si Menno Vloon subalit nabigo ito sa ginanap na tie breaker kaya pumangalawa lamang siya.

Nasa pangatlong puwesto naman sa nasabing torneo si Christopher Nilsen ng USA na nakapag-clear ng 5.60 meters.

Agad naman itong sasabak ngayon sa ISTAF Indoor sa Berlin ngayong Lunes.

Magugunitang ilang buwang nagpahinga si Obiena pagkatapos ng Paris Olympics dahil sa injury sa likod.

Other News
  • Malakanyang sa plano ni Roque na political asylum: No political persecution

    ITINANGGI ni Palace Press Officer at Presidential Communications Office Undersecretary Claire Castro ang alegasyon na may political persecution gaya ng sinasabi ni dating presidential spokesperson Harry Roque dahilan para mapilitan ang huli na humingi ng political asylum sa The Netherlands. Ang “asylum” ay isang legal na proseso kung saan naghahain ng proteksyon at karapatang manatili […]

  • Animam, SHU nagreyna

    NAKADALE na naman ng isang kampeonato si Jack Danielle Animam sa kanyang playing career nang pangunahan ang pamamayagpag ng Shin Hsin University sa 2020-21 University Basketball Alliance championship nitong  LInggo sa Taiwan.     Dinispatsa ni Animam at ng SHU ang National Taiwan Normal, 70-51, sa finals sa Taipei Arena kung saan nanalanta ang Philippine […]

  • Construction ng Quezon Memorial Circle station ng MRT 7, pinahinto ni Mayor Belmonte

    PINAHINTO ni Mayor Joy Belmonte ng Quezon ang above-ground construction ng Quezon Memorial Circle station sa ginagawang Metro Rail Transit Line7 (MRT7).   Pinatigil niya ang construction matapos ang mga environmentalists at historians ay nakita na ang itatayong station ay makasisira sa integridad ng nasabing park.   “The project revealed that the proposed floor area […]