• March 22, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

EJ Obiena nakagintong medalya sa torneo sa Poland

NAKABAWI na ngayon si World Number 4 at Asian champion pole vaulter EJ Obiena matapos na magbulsa ng gintong medalya sa Orlen Copernicus Cup na ginanap sa Torun, Poland.

Naitala ng two-time Olympian ang 5.80 meter clearance para manguna sa siyam na mga kalahok.

Nasa pangalawang puwesto ang pambato ng Poland na si Piotr Lisek an nagtala lamang ng 5.70meter.

Habang na sa pangatlong puwesto si Sondre Guttormsen ng Norway.

Ito na ang pangalawang gintong medalya na nakuha ni Obiena na ang una ay sa Metz Moselle Athletor sa France noong nakaraang buwan.

Tila pagbangon din itong maituturing dahil sa nagtapos lamang siya sa pangpitong puwesto sa mga walong manlalaro sa ISTAF Indoor tournament na ginanap sa Dusseldorf, Germany.

Other News
  • Hamon ni Yorme Isko Moreno sa gobyerno, bahala na ang DILG- Sec. Roque

    IPINAUBAYA na ng Malakanyang sa Department of Interior and Local Government (DILG) ang naging pahayag ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na itutuloy ng lokal na pamahalaan ng Lungsod ng Maynila ang implementasyon ng EO 42 sa paggamit ng face shield sa kabila ng apela ng pamahalaan sa Local Government Units (LGUs) na manatiling […]

  • Ads May 7, 2024

  • Mga COVID-19 vaccines na iligal na ibinibenta ‘di puwedeng gamitin – FDA chief

    Hindi na puwedeng gamitin pa ang mga COVID-19 vaccines na nakumpiska mula sa mga iligal na nagbebenta nito kamakailan.     Sinabi ito ni Food and Drugs Administration director general Eric Domingo kahit pa napatunayan namang genuine ang mga nakumpiskang bakuna.     Iginiit ni Domingo na walang katiyakan na maayos ang handling sa mga […]