EJ Obiena patuloy ang arangkada sa 2023
- Published on February 1, 2023
- by @peoplesbalita
INANGKIN ni 2020+1 Tokyo Olympian Ernest John “EJ” Obiena ang unang gintong medalya ngayong taon sa Golden Perche En Or Sabado sa Stab Velodome sa Roubaix, France.
Nalampasan ng 27-anyos at kasalukuyang World No. 3 na si Obiena ang taas na 5.82 metro upang agad maitala ang season best nito sa ikalawang torneo pa lamang ngayong 2023.
Nakamit ni Yao Jie ng China ang pilak sa natalon nitong 5.75 metro, habang ang home bet at Frenchman na si Ethan Cormont ang humablot sa tanso sa nilundag na 5.65.
Ang panalo ay nagpahusay kay Obiena matapos magkasya lamang sa 5.77 metro at pilak sa unang sabak nito ngayong taon sa Springer International Meet sa Germany noong Huwebes.
Pinilit ni Obiena malampasan ang 5.82 metro subalit nabigo ito upang ibigay ang gintong medalya kay Sam Kendricks ng Estados Unidos.
Matatandaang itinala ni Obiena ang bagong national record sa kanyang silver medal finish noong 2022 Perche Elite Tour sa France.
Nalampasan ng dating World No. 5 ang 5.91 metro para sa pangalawang pwesto noong Marso 6, 2022 (Marso 5 sa France) sa Rouen. (CARD)
-
Tinitilian sa shirtless scenes: JM, nagpakilig at pinamalas na naman ang husay bilang aktor
GAGANAP bilang Mary Ann Armstrong si Carla Abellana sa Voltes V: Legacy. Anak ni Mary Ann sina Steve, Big Bert at Little Jon sa kuwento ng Voltes V: Legacy na eere sa GMA ngayong May 8. Hindi ba na-overwhelm si Carla na tatlong lalakiang anak niya sa series gayong sa tunay […]
-
GLOBAL SPOTLIGHT ON DIRECTOR RYOO SEUNG-WAN’S ACTION CRIME THRILLER “I, THE EXECUTIONER,” AN OFFICIAL SELECTION AT THIS YEAR’S FESTIVAL DE CANNES AND TORONTO INTERNATIONAL FILM FESTIVALS
DIRECTOR Ryoo Seung-wan’s new action crime movie “I, the Executioner,” starring Hwang Jung-min and Jung Hae-in, has garnered global attention by receiving consecutive invitations to the Cannes Film Festival in May, and the Toronto International Film Festival this month. Officially selected for the Midnight Screening section of the 77th Festival de Cannes, “I, […]
-
Final 12 ng Gilas Pilipinas na haharap sa New Zealand iaanunsiyo
ILALABAS na ngayong araw ng Gilas Pilipinas ang final 12 na mga manlalaro na isasabak sa 2nd window ng FIBA Asia Cup 2023 qualifiers. Sinabi ni Gilas coach Tim Cone na nitong Martes ay nagkaroon ng exhibition game ang Gilas mula sa isang koponan sa PBA na ginanap sa kanilang training academy sa […]