El Niño higit na titindi sa darating na mga buwan – PAGASA
- Published on January 17, 2024
- by @peoplesbalita
TITINDI pa ang kasalukuyang nararanasang panahon ng El Niño sa bansa ngayong buwan hanggang sa susunod na mga buwan ngayong taon.
Ayon kay DOST Secretary Renato Solidum Jr. base sa kasalukuyang kundisyon, may katamtaman hanggang sa matinding tagtuyot ang mararanasan mula sa Pebrero hanggang Mayo ngayong taon.
Una nang sinabi ni Solidum na may 65 lalawigan ang tatamaan ng matinding tagtuyot dahil sa dry spell sa unang quarter ng 2024.
Tinaya ni Solidum na ang naganap na El Niño noong taong 1997 hanggang 1998 ay katulad ngayong taon na marami ang makakaranas ng epekto ng matinding tagtuyot at bilyong piso ang inaasahang lugi sa sektor ng agrikultura.
Gumagawa na ng mga paraan ang Department of Agriculture (DA) para makaiwas sa matinding epekto ng El Niño ang sektor ng agrikultura sa bansa.
-
Mister kinatay ng kapitbahay sa Navotas
SINAMPAHAN na ng pulisya ng kaso ang isang mangingisda na walang habas na inundayan ng saksak sa iba’t ibang parte ng katawan ang naka-alitang kapitbahay sa Navotas City. Kasong murder ang isinampa ng mga tauhan ni Navotas police chief P/Col. Mario Cortes sa Navotas City Prosecutor’s Office laban sa 43-anyos na si alyas […]
-
‘What You Did’, a psychological thriller starring Tony Labrusca, finalist at Sinag Maynila 2024
WHAT YOU DID is a psychological thriller, and the directorial debut of Joan Lopez-Flores. One of the finalist in SINAG MAYNILA 2024 (Full Length Film category), starring Tony Labrusca, Mary Joy Apostol, Epy Quizon, Mercedes Cabral, and Ana Abad Santos Also starring Ping Medina, Ralph Fernandez, Elle […]
-
PBBM, in-adjust ang dividend rate ng DBP para sa taong 2021
IN-ADJUST ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang porsiyento ng annual net earnings na idedeklara ng state-run Development Bank of the Philippines (DBP) para sa taong 2021. Sa katunayan, ipinalabas ni Pangulong Marcos ang Executive Order (EO) 8, na naglalayong tapyasan ang dividend rate ng DBP ng hanggang zero% mula sa kasalukuyang 50% […]