• January 13, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

El Niño nagsimula na – PAGASA

PORMAL  nang nagsimula ang El Niño phenomenon sa bansa.
Ito ang idineklara sa ginanap na briefing ng PAGASA kahapon at nagsabing naitaas na nila ang antas ng warning status mula El Niño Alert na ngayon ay El Niño Advisory.
Ayon sa PAGASA, mahina pa ang kasalukuyang El Niño pero nagpapakita na ng mga senyales na titindi ito sa mga darating na buwan.
“Isipin niyo po na ‘yung El Niño ay galing sa Pacific pero ‘yung hangin na dumarating, ‘yun ‘yung nararamdaman natin, na kulang ang dalang tubig,” pahayag ni DOST chief Renato Solidum Jr.
Ang El Niño phenomenon o panahon ng tagtuyot ay may abnormal warming ng sea surface temperature sa central at eastern equatorial Pacific Ocean at mas mababa sa normal ang pag-ulan.
Kaugnay nito, sinabi ni PAGASA climate monitoring and prediction section chief Annalisa Solis na naideklara nila ang paglitaw ng El Niño sa Tropical Pacific makaraang magtala ang Oceanic Niño Index ng 0.5°C nitong nagdaang buwan ng Abril, Mayo at Hunyo.
Dahil anya sa El Niño, nitong June 30 ang tagtuyot ay naranasan na sa Apayao, Cagayan, at Kalinga base sa 60 percent na bawas sa inaasahang pag-ulan sa nabanggit na mga lugar. Nakaranas din ng dry condition sa Isabela at Tarlac.
Dahil naman sa epekto ng Habagat ay maaaring makaranas ng above normal rainfall conditions sa kanlurang bahagi ng bansa mula Hulyo hanggang Setyembre.
Simula sa Oktubre, Nobyembre, Disyembre at Enero 2024 ay unti-unting mararamdaman ang potensiyal na epekto ng El Niño sa bansa.
Other News
  • Transport group naguguluhan sa P9 fare discount

    NAGBIGAY ng pahayag ang isang transport group tungkol sa ipapatupad na fare discount ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) kung saan sinabi na hindi lahat ng fare discount ay ipapatupad sa lahat ng ruta.     Binatikos ni Manibela president Mar Valbuena ang memorandum na nilabas ng Department of Transportation (DOTr) matapos ipahayag […]

  • LOVI, ‘di pa makapagbigay ng statement sa negosasyon ng kanyang management team kung saan pipirma

    NAGKAROON ng tsismis na lilipat na sa Kapamilya Channel si Lovi Poe dahil hindi na siya nag-renew ng kanyang kontrata sa Kapuso Network.     Sa presscon ng latest Viva movie The Other Wife na ginanap noong Lunes, sinabi ni Lovi na open naman daw siya sa posibilidad na makapagtrabaho rin sa ibang network kung […]

  • PBBM, hinikayat ang mga manggagawa ng gobyerno na manatiling ‘transparent, accountable’

    HINIKAYAT ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga manggagawa ng gobyerno na panatilihin ang ‘transparency, accountability, at integridad’ sa pagsisilbi sa mga tao.   Inihayag ito ng Pangulo sa kanyang naging talumpati sa pagbibigay parangal sa mga nanalo sa 2024 Search for Outstanding Government Workers sa Palasyo ng Malakanyang.   “So, let us remember that […]