• March 21, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Eldrew Yulo, target ang Asian Junior World Championships

Pinaghahandaan ni Karl Eldrew Yulo ang Asian Gymnastics Junior Championships at Junior World Championships ngayong taon.
Ayon kay Eldrew, araw-araw siyang nagsasanay, kahit wala ang kanyang coach na si Munehiro Kugimiya, na siyang nagturo rin sa kanyang kapatid na si Carlos Yulo.
Matapos ang matagumpay na training sa Japan noong Oktubre, nakatakdang ipagtanggol ni Eldrew ang kanyang titulo sa vault apparatus ng Asian Junior Championships sa South Korea mula Hunyo 12-16. Susunod naman ang Junior Worlds sa Manila mula Hulyo 12-21.
Bukod sa gintong medalya sa vault sa Asian Championships sa Uzbekistan, nagwagi rin siya ng walong ginto sa Chiu Wai Chung Cup sa Hong Kong noong Disyembre. Dahil dito, ginawaran siya ng Special Citation sa 2024 PSA Awards Night.
Target ng magkapatid na Yulo na magkasamang lumaban sa 2028 Los Angeles Olympics.
Other News
  • DBM, aprubado ang pagpapalabas sa P30.4-B para sa MUP pension para sa Q1 2025

    INAPRUBAHAN ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah Pangandaman ang pagpapalabas ng P30.409 billion para i-cover ang regular pension requirements ng military and uniformed personnel (MUP) para sa first quarter ng 2025. Sinabi ng DBM na ang pondo ay huhugutin sa Pension and Gratuity Fund sa ilalim ng Republic Act 12116 o 2025 General […]

  • De la Hoya hindi aatrasan si Canelo

    Kilala si dating six division world champion Oscar de la Hoya na hindi umaatras sa hamon, mentalidad na dala pa rin nito hanggang ngayon sa edad na 47.   Nagpahayag si De la Hoya na muling babalik sa boksing upang lumaban at target umano nitong makasagupa ang tigasin nitong alagang si Saul “Canelo” Alvarez.   […]

  • Hindi aatras ang Philippine ships sa WPS, patayin man ng China

    MATAPOS kuyugin ng iba’t ibang kritisismo ang kanyang campaign promise para sa mga mangingisda sa pinagtatalunang West Philippine Sea ay “joke”, binalaan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Beijing na hindi niya iaatras ang Philippine ships mula sa pinagtatalunang katubigan kahit mapatay pa siya ng China.   Sa Talk To The People ni Pangulong Duterte, […]