• May 18, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Eleazar pinagtanggol ang balak na pag-aarmas sa mga civilian volunteers

Ipinagtanggol ni PNP chief General Guillermo Eleazar ang plano ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pag-armas sa anti-crime civilian volunteers.

 

 

Sinabi nito na ang nasabing hakbang ay para sa volunteerism at hindi vigilantism.

 

Pagtitiyak nito sa Commission on Human Rights (CHR) na hindi maaabuso ito ng mga sibilyan.

 

 

Dadaan daw sa mahigpit na rules and procedures para sa pagproseso ng pagdadala ng baril ang mga sibilyan.

 

 

Ilan sa mga ito ay ang pagkakaroon ng License to Own and Possess Firearms (LTOPF) at ang Permit to Carry Firearmss Outside Residence (PTCFOR).

 

 

Magugunitang kinontra ng CHR ang nasabing plano ng pangulo dahil kung saan nakasaad sa probisyon sa 1987 Constitution na dapat ang gobyerno ay magmantine lamang ng isang national police force. (Gene Adsuara)

Other News
  • MARIAN RIVERA, hindi man makagawa ng teleserye dahil ayaw niyang umalis sa bahay at iwanan ang mga anak na sina Zia at Ziggy

    Nakakatuwa ang Instagram post ni Pasig City Mayor Vico Sotto matapos niyang bumisita sa taping ng “Daddy’s Gurl” ng M-Zet Productions na pag-aari ng ama niyang si Vic Sotto sa Rainforest AdVenture Experience Park.  Simula nang payagang mag-taping na nang live ang sitcom na nagtatampok kina Vic at phenomenal star Maine Mendoza, doon na nila […]

  • Mayor Along, nangunguna pa rin sa survey sa pagka-mayor sa Caloocan

    MULING nagtala ng mataas at positibong net trust rating si Caloocan City Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan bago ang 2025 Local Elections sa darating na Mayo, ayon sa pinakabagong survey na isinagawa ng Social Weather Stations (SWS). Ang survey ay para sa buwan ng Oktubre 2024 at Pebrero 2025 kung saan nakakuha si Malapitan ng plus […]

  • 2 tulak ng high-grade marijuana, arestado sa Caloocan

    Naaresto ng Caloocan police ang dalawang lalaking tulak ng high-grade marijuana sa isang buy-bust operation sa Bagong Silang. Kinilala ang mga suspek na sina alyas Andrie, 24, at Mark, 22. Nakumpiska mula sa kanila ang 29g ng high-grade marijuana at 950g ng tuyong dahon ng marijuana na nagkakahalaga ng P157,500. Kakasuhan sila sa ilalim ng […]