• April 27, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Eleazar sa mga kandidato, supporters: ‘Fake news iwaksi’

NANAWAGAN si senatorial aspirant Gen. Guillermo Lorenzo Eleazar sa lahat ng kapwa kandidato at kanilang mga supporter na tumulong sa pagtataas ng lebel ng political maturity ng mga Pilipino sa pamamagitan ng ‘di pagkakalat ng fake news laban sa mga katunggali.

 

 

Ayon kay Eleazar, “toxic” o umabot na sa sukdulan ang batuhan ng putik at polarization ng politika sa bansa kaya tila maraming botante ang ‘di na nag-uusap tungkol sa mga plataporma at qualification ng mga kandidato.

 

 

“Sa halip qualification ng kandidato at kung anong plataporma ang higit na makakatulong sa kanila ang pag-usapan, ginawang parang Marites level na ang usaping pulitika dahil mas naging interesado na sa paninira na fake news at inimbentong impormasyon naman ang pinagmulan,” ani Eleazar.

 

 

“Tandaan ninyo na hindi naman kayo personal na kakilala ng mga kandidato at ang tanging garantiya na matutulungan kayo sa susunod na tatlo at anim na taon ay ang tamang pagboto—pagboto sa kuwalipikado at pagboto sa may magandang plataporma na makikinabang ang lahat,” aniya pa.

 

 

Tiniyak ni Eleazar, na minsa’y naging commander ng PNP Anti-Cybercrime Group, na itutuloy niya ang paglaban sa mga nagpapakalat ng fake news at disinformation sa social media kapag nahalal sa Senado. (Gene Adsuara)

Other News
  • Tatakbong pangulo? Pacquiao nagpaparamdam na

    Nagpatikim na si eight-division world champion Manny Pacquiao sa posibleng pagtakbo nito sa Presidential Election sa susunod na taon.     Naglabas ng post si Pacquiao sa kanyang mga social media accounts kung saan ikinuwento nito ang kanyang naging karanasan.     Naging halimbawa nito ang kanyang sarili na dumaan sa matitinding pagsubok bago makamit […]

  • Ex-NBA star Rajon Rondo naghain ng guilty plea sa mga kaso niya

    NAGHAIN ng guilty plea si dating NBA star Rajon Rondo sa kinakaharap nitong kasong kriminal.   Nahaharap kasi si Rondo ng iligal na pagdadala ng baril sa Indiana.     Ang nasabing paghain nito ng guilty plea ay para maibasura na ang kasong possession of marijuana at possession of paraphernalia.     Bilang bahagi ng […]

  • Malakanyang, ayaw makisawsaw sa panibagong girian sa liderato ng Kamara

    DEDMA lang ang Malakanyang sa umanoy pag-init na naman nang tunggalian sa pagitan ni House Speaker Alan Peter Cayetano at Cong. Lord Allan Velasco   Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo, ang mga kongresista lamang ang dapat na magresolba nang usapin at kung ano ang kasunduan na nabuo ang dapat sundin.   Wala ring nakikitang […]