Electronic version ng driver’s license, nakatakdang ilunsad ng LTO
- Published on May 9, 2023
- by @peoplesbalita
NAKATAKDANG maglunsad ang Land Transportation Office (LTO) ng electronic version ng driver’s license bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap nito tungo sa digitalisasyon ng lahat ng kanilang mga serbisyo.
Ayon kay LTO chief JayArt Tugade, magsisilbi ang digital license bilang isang alternatibo sa physical driver’s license card sa pakikipagtulungan sa Department of Information and Communications Technology (DICT).
Aniya, ang bentahe ng digital license ay maaaring ipresenta ito ng mga motorista sa mga law enforcement officers kapag sila ay nahuli katulad din aniya ito ng physical driver’s license.
Ang digital license ay bahagi ng kasunduan sa pagitan ng LTO at DICT noong Marso ngayong taon na nakatutok sa pag-enhance ng digitalisasyon ng sistema at mga proseso sa ilalim ng LTO.
Ayon kay Tugade, ang digital license ay isasama sa super app na kasalukuyang ginagawa ng DICT.
Layunin nito na mapalitan ang Official receipt (OR) habang kasalukuyang nakaimprinta sa papel ang temporary driver’s license.
-
DSWD at DILG inatasan ni PDU30 na pangasiwaan ang pamamahagi ng ayuda sa 1 LGU
INALIS ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa isang Local Government Unit (LGU) ang pamamahagi ng cash aid sa nasasakupan nito dahil sa kakulangan sa organisasyon. Sa kanyang Talk to the People, Lunes ng gabi ay inatasan ng Pangulo ang Department of Interior and Local Govenment (DILG) at Department of Social Welfare and Development (DSWD) […]
-
After civil wedding, kaabang-abang ang church wedding… RIA, nagpakasal na kay ZANJOE sa mismong kaarawan niya
SA pamamagitan ng intimate wedding ceremony officiated by Quezon City Mayor Joy Belmonte, ikinasal ang celebrity couple na sina Ria Atayde at Zanjoe Marudo. Naganap ang civil wedding last Saturday, March 23, around 3 in the afternoon. Sinaksihan ito ng pamilya at malalapit na kaibigan. Sa Instagram post ng Kapamilya actor […]
-
Foreign trips ni PBBM, nagbukas ng bagong job opportunities abroad para sa mga Filipino -Department of Migrant Workers
MAITUTURING na maganda ang naging Bunga ng mga naging byahe ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa ibang bansa. Isa na rito ang mabuksan ang maraming job opportunities sa abroad para sa mga Filipino. Sa press briefing, tinuran ni DMW secretary Susan Ople na isa na rito ang nabuksang pangangailangan ng Singapore […]