Emma Malabuyo, wagi sa balance beam title sa UCLA
- Published on February 17, 2025
- by Peoples Balita
NANGUNA ang Filipino American Olympian na si Emma Malabuyo sa US National Collegiate Athletic Association (NCAA) season kung saan nagpakitang gilas ito para sa University of California, Los Angeles (UCLA) Bruins.
Ginanap ang naturang sports events sa Big Ten Conference women’s gymnastics showdown laban sa Michigan State Spartans at tinanghal siyang kampeon sa balance beam na may kahanga-hangang meet-winning average score na 9.925.
Ang performance ni Malabuyo sa beam ay hindi matatawaran. Sa huling rotation floor nakakuha ito ng 9.95 na nag-tala sa tagumpay ng UCLA sa meet.
Kasama ni Malabuyo sa kumpetisyon sina Olympic gold medalist Jordan Chiles at teammate Chae Campbell na parehong nakakuha naman ng perfect 10.0.
Samantala sa post ng B1G Gymnastics makikita sa video ang flawless routine ni Malabuyo sa beam, na nagpaabot naman ng papuri sa dalagita at may caption na, ”Practice makes perfect for (Emma Malabuyo) & (UCLA Gymnastics) on beam.”
Dahil sa tagumpay na ito, umakyat si Malabuyo sa ika-4 na ranggo sa 2025 NCAA balance beam rankings, na nagpapatibay sa kanyang status bilang isa sa mga nangungunang gymnasts sa bansa.
Maaalalang si Malabuyo ang kauna-unahang Filipino American gymnastics team sa 2024 Paris Olympics na nagmarka naman ng isang makasaysayang milestone bilang unang kumatawan sa Pilipinas sa women’s artistic gymnastics sa loob ng 60 taon.
-
“Treat all the vaccines as the same” sa pamamahagi ng COVID-19 vaccines sa LGUs
“Treat all the vaccines as the same.” Ito ang bilin ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte kay vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr., sa kanyang Talk To The People, Miyerkules ng gabi kapag namahagi na ng COVID-19 vaccines sa Local Government Units (LGUs). “Keep a blind eye to brands when distributing COVID-19 vaccines to […]
-
Canadian caddie ni Yuka na-heat stroke
Isinugod sa ospital ang Canadian caddie ni 2021 US Women’s Open Yuka Saso dahil sa heat stroke isang araw bago ang pagsisimula ng Tokyo Olympics women’s golf competition sa Kasumigaseki Country Club. Si Lionel Matichuk ay papalitan ni national team coach Miko Alejandro para gabayan si Saso, ayon sa National Golf Association of […]
-
‘Di makapaniwala na kasama sa sitcom ni Vic: BRUCE, tanggap ang pagkabuwag ng loveteam nila ni ALTHEA
“YUNG role ko dito si Doe, si Doe ay isang dedicated na tao. “Pinalaki siya sa kalye so binigyan siya ng opportunity ni Ninong Spark which is played by Jose Manalo na magkatrabaho which is delivery driver. “Tapos nung nalaman ni Doe na may isa pang delivery driver na si Fred […]